^

PSN Showbiz

Showtime nakabangon na, Probinsyano ‘di natitinag!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nananatiling pinakapinapanood na TV network sa bansa ang ABS-CBN sa pagsisimula ng taong 2016 matapos pumalo sa national average audience share na 43% ang Kapamilya Network sa pinagsamang urban at rural homes base sa datos ng Kantar Media.

Patuloy na namamayagpag ang mga programa ng ABS-CBN lalo na pagdating sa primetime (6PM-12MN) kung saan nakakuha ito ng average audience share na 48% nationwide kontra 33% ng kalabang network. 

Nitong Enero, nakuha rin ng ABS-CBN and weekday noontime slot, matapos magtala ang It’s Showtime ng rating na 16.1% kumpara sa 15.2% ng katapat na programa. Pagdating naman sa balita, TV Patrol (28.7%) pa rin ang pinakapinagkakatiwalaan ng mas maraming Pilipino bilang tanging news program sa Top 10.

Hindi pa rin matinag sa unang pwesto ng pinakapinapanood na programa sa bansa ang FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV rating na 39.8% na sinundan ng Pangako Sa’yo (31.4%) na katabla ang weekend top-raters na Maalaala Mo Kaya at Wansapanataym sa ikalawang pwesto. Pumangatlo naman ang  Dance Kids (29.8%).

Nagpakitang-gilas din ang dalawang bagong programa ng Kapamilya. Sa pagbabalik nito sa telebisyon, nagtala ng 26.6% na rating ang Pilipinas Got Talent, samantalang kinakakiligan naman ng manonood ang bagong seryeng Be My Lady, na pumalo sa 18.3%. Kinukumpleto ng Rated K  (24.3%) at  Home Sweetie Home (24.1%) ang Kapamilya shows sa Top 10.

 Namamayagpag rin ang ABS-CBN sa ibang teritoryo tulad sa Balance Luzon kung saan pumalo ito sa national average audience share na 45% kontra 36% ; sa Visayas sa audience share na 54% kontra 26% ng kalaban; at sa Mindanao na may 55% kontra 27%.

 

ANG

ANG PROBINSYANO

BALANCE LUZON

BE MY LADY

DANCE KIDS

HOME SWEETIE HOME

KANTAR MEDIA

KAPAMILYA

KAPAMILYA NETWORK

MAALAALA MO KAYA

NITONG ENERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with