Kuntento na sa pagiging artista Liza hindi interesadong maging Miss Universe!

Hindi eager si Liza Soberano na sumali sa beauty contest. ‘Yan ay kahit na naniniwala si Miss Universe Pia Wurtzbach na puwede siyang tanghaling Miss Universe tulad niya (Pia).

Ayon kay Liza na bida sa bagong serye ng ABS-CBN na Dolce Amore with Enrique Gil and Matteo Guidicelli, wala sa plano niyang sumali sa Miss Universe pero hindi niya isinasara ang pintuan. “Hindi ko po nakikita ‘yung sarili ko sa ganung path. Parang I’m contented with being an artista. I like acting a lot,” sabi niya sa presscon ng Dolce Amore last Wednesday night.

Maaalalang may nagtanong kay Pia sa kanyang pa-Pia Ask sa Twitter habang nasa bansa siya kamakailan kung sino sa mga artista ngayon ang nakikita niyang puwedeng maging Miss Universe rin.

Anyway, balik-primetime ang LizQuen mula sa tagumpay ng kanilang top-rating series na  For­evermore via Dolce Amore, isang kwento ng dalawang taong pinagbuklod ng tadhana at ng parehong pag­hahanap nila sa kanilang tunay na katauhan.

“It’s a project I think almost everyone will be able to relate to. It’s about finding your identity and finding love, and the story is just so fun and uplifting,” pahayag ni Liza.

Gaganap si Liza bilang si Serena, isang dalagang lumaki sa Italy sa piling ng mag-asawang umampon sa kanya. Bagama’t kinagisnan ang isang marangyang buhay, pilit niyang hahanapin ang isang nawawalang bahagi ng kanyang pagkatao – ang kanyang pinagmulan.

Hindi dito nalalayo ang kwento ng buhay ni Tenten, na gagampanan naman ni Enrique. Isang raketerong lumaki sa ampunan, gagawin ni Tenten ang lahat para sa pamilyang kumupkop sa kanya.

“It’s a ‘peasant meets a princess’ kind of feel. It’s a very light teleserye, like what we all love – parang sa Forevermore,” sabi naman ni Enrique.

Bukod sa Forevermore,  tumawid din ang tagumpay ng kanilang team-up sa takilya dahil naging certified box-office hits ang  Just the Way You Are at Everyday I Love You na pinagbidahan nila.

Dagdag pa ni Liza, mas magle-level up ang kilig sa kanilang tambalan dito at bilang mga aktor ay mas magiging bukas sila sa pag-eeksperimento sa kanilang mga karakter.

Pakikinig ng mga dusa sa kapaligiran, ang lakas maka-bad vibes

Ang lakas maka-bad vibes ng pakikinig ng AM radio sa umaga.

Wala kasing ibang balita kundi ang kalbaryo sa traffic, kabi-kabilang patayan kahit may gun ban, katiwalian sa mga ahensiya ng pamahalaan, dusa sa MRT, mga ginahasa o kaya naman ay nakawan.

Kaya paggising mo sa umaga at nakinig ka ng radio para malaman ang nangyayari sa paligid, mabigat na agad ang pakiramdam mo.

Kalokah ‘di ba. Nagdusa ka na nga sa traffic, malulungkot ka pa dahil sa mga nangyayari sa ating paligid.

Wala na ba talagang magandang balita na puwedeng i-report sa radio?

Sa dyaryo kasi may option dahil may ibang section. Eh hindi ka naman puwedeng magbasa habang nagmamaneho at nakatengga sa traffic.

Sa social media naman, ang problema ‘pag nagbasa ka ng updates sa umaga parang magiging tamad ka na dahil mada-divert na ang attention mo sa kung anu-anong mga trending subject. So nakatutok ka na doon, umaga pa lang.

Noon kasi ang AM radio, marami kang mapapakinggan. Hindi lang basta mga masamang balita.

Pero dahil na rin talaga sa mga nakakalokang pangyayari sa ating kapaligiran, ganyan ang mga naririnig natin sa araw-araw.

So para hindi ma-bad vibes mag-music na lang.

Pero seriously, dapat ba lahat ng gulo pati pambarangay na issue tulad ng nag-away na mag-asawa kailangan pang ibalita sa radio? Minsan kasi talagang umeeksena na ang iba para ma-interveiw lang.

Mga reporter ng GMA, isa-isang naglalayasan

Ay bakit nga ba sunud-sunod na naglalayasan ang mga beteranong reporter ng GMA 7. At marami ang nakapansin nito sa social media at lumabas pa sa isang online article.

Nauna si Michael Fajatin. Sumunod sina Julius Segovia at Sherrie Ann Torres.

May problema ba sa News and Current Affairs ng GMA?

Sa kani-kanilang social media account nagpaalam ang tatlong reporter.

Si Fajatin ay nauna sa tatlo, November last year nang magpaalam siya.  Ayon sa post ni Fajatin halos dalawang dekada rin ang itinagal niya sa GMA. “Ako po ay magsisimula na sa panibagong yugto ng aking buhay para punan ang mga pagkukulang sa aking personal na mga responsibilidad. At sa patuloy na paghahanap ng kahulugan at kabuluhan sa aking pagkatao at pakikipagkapwa-tao,” sabi niya sa kanyang post noong November.

Si Segovia naman ay almost a decade ang itinagal sa GMA News.

“Thanks for the memories, learnings and experiences. I will surely treasure all those as I venture out in the corporate world. This is not goodbye, but simply see you around.” 

Si Sherrie Ann naman ay recently lang nagpaalam. “Until we meet again. God bless you and I wish you all the best. -- Sherrie Ann Torres, nakatutok, 24 Oras, ang inyong naging Saksi para sa GMA News.”

Sunud-sunod ang pag-alis nila kaya may ilang nag-iisip kung ano’ng nangyayari sa GMA News.

Barbie, Matet, at Meryll, bungisngis pa more sa That’s My Amboy

Ang saya at nakaka-good vibes panoorin ang That’s My Amboy. Maliban sa kilig na hatid ng AnBie (Andre Paras at Barbie Forteza), nakakatuwa rin ang ibang cast. Mas lalo sigurong nakakatawa ang mga behind-the-scenes nila. Base nga sa Instagram posts nina Barbie at Meryll Soriano, hindi nila mapigilan tumawa at bumungisngis ‘pag magkakasama sila nina Matet de Leon sa eksena.

Show comments