Sinag Maynila Film Festival nasa pangalawang taon na

MANILA, Philippines – Nakahanda na ang mga pelikula para sa independent film festival na Sinag Maynila na ipalalabas sa April 2016.

Conceptualized and helmed ng CEO and Founder Wilson Tieng kasama ang award-winning director na si Brillante Mendoza, ang Sinag Maynila ay tumutulong sa mga indie filmmaker na isapubliko ang kani-kanilang mga obra.

Ang limang napiling filmmakers ay nakipag-collaborate kina Teng at Mendoza para makalikha ng iba’t ibang istorya na magri-reflect ang Fiipino culture.

Kasama sa mga pelikula na mapapanood sa April 2016 ang MRS by Adolf Alix, Jr. na tungkol sa isang lola at kasambahay, tampok sina Elizabeth Oropesa, Lotlot de Leon, Rosanna Roces, Anita Linda, at Mark Herras.

Ang Expressway by Ato Bautista stars Alvin Anson, Aljur Abrenica, Kiko Matos, Antoinette Reds, Jim Libiran, Japo Parcero, at Judith Javier ay tungkol naman sa lalaking gusto nang kumawala sa sindikato na matagal na niyang kinabibilangan pero kailangan muna niyang gawin ang kanyang huling misyon bago tuluyang makapag-bagong buhay.

Kakaibang istorya ang hatid ng pelikula ni Mes De Guzman na Dyamper kung saan aksidenteng nadawit ang tatlong magkakaibigan sa droga. Tampok sa nasabing pelikula sina Carlo Aquino, Alchris Galura, Tim Mabalot, Kristofer King, Liza Diño-Seguerra, at Debbie Garcia.

Istorya ng isang battered mother naman ang T.P.O. by Joselito Altarejos starring Oliver Aquino, Mara Lopez, Micko Laurente, Menggie Cobarrubias, at Lui Manansala.

And lastly, ang Lila na idinirehe ni Gino Santos ay tungkol naman sa isang dalagang pilit tinatakasan ang kanyang nakaraan. Ang Lila ay pinagbibidahan ni Janine Gutierrez kasama sina Enchong Dee, Sherry Alingod, at Migs Cuaderno.

Magsisimula na ang pangalawang Sinag Maynila Film Festival sa April 21, hanggang 26, 2016. For more updates, look for Sinag Maynila on Facebook (SinagMaynila), Twitter (@sinagmaynila), and Instagram (@sinagmaynila).

Show comments