Ang sikat na si Papa Ahwel Paz ng DZMM ang unang nagbalita na isa nang ganap na ina ang tinaguriang Soul Siren na si Nina (Marifi Nina Girado sa tunay na buhay) nang ito’y magsilang ng isang baby girl last December 24 na pinangalanang Ysabelle Louise courtesy of her longtime non-showbiz businessman boyfriend na kung hindi kami nagkakamali ay si Enrico Enriquez.
Kung hindi pa dahil kay Papa Ahwel ay walang nakakaalam na nabuntis at nagsilang na pala si Nina na naitago niya sa publiko.
Pero kahit magtu-two months pa lamang ang kanyang baby, balik-trabaho na si Nina at marami ang namangha dahil walang trace na ito’y bagong panganak dahil naibalik kaagad nito sa dati ang kanyang katawan.
On February 12, mapapanood si Nina sa isang pre-Valentine concert sa PICC na pinamagatang Love Throwback na pagsasamahan nila nina Rico J. Puno, Marco Sison, Gino Padilla, at Roselle Nava.
Dalawang beses ko na ring nakasama si Nina sa Japan para sa promotional show ng GMA Pinoy TV at IPS, Inc. at doon namin nasaksihan kung gaano ka-well-loved doon si Nina at ang kanyang mga pinasikat na awitin tulad ng I Love You Goodbye, Someday, Foolish Heart, Why Can’t It Be, at Love Moves in Mysterious Way.
Si Nina ay ex-GF ng acoustic singer na si Nyoy Volante pero tila hindi naging maganda ang kanilang break-up na sa pagkakaalam namin ay nauwi pa sa demandahan.
Gloc 9 hindi makalimutan ang Feb. 1
Bibihira ang nakakaalam sa tunay na pangalan ng sikat na rapper na si Gloc-9 na Aristotle Pollisco dahil magmula nang pasukin niya ang mundo ng musika more than two decades ago ay kilala na siya ng mga tao bilang si Gloc-9.
Significant para kay Gloc-9 ang petsang February 1, 2016 dahil dalawang major events ang dumating sa kanya – una ang muli niyang paglagda ng recording deal with Star Music (dating Star Records) na naging una niyang tahanan in 2003, pangalawa ay ang paglagda rin niya ng kasunduan kay Atty. Rico Quicho, spokesperson ng presidentiable na si VP Jojo Binay para naman sa outright ownership ng kinompos niyang kanta na Pareho Tayo na gagamiting theme song sa kampanya ng pangalawang pangulo ng bansa.