Buhay ng aktor manipis na ang ulap kasong isinampa ni Sunshine kay Cesar ibinasura, korte walang nakitang ebidensya

Matalinghaga ang sinabi noon ni Cesar Montano sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap? na kapag manipis ang ulap, nangangahulugan ito na hindi cloudy kaya maaliwalas ang panahon.

Well, manipis na ang mga ulap sa buhay ni Cesar dahil ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang child abuse na demanda sa kanya ni Sunshine Cruz.

Ito ‘yung kaso na pinagbintangan ni Sunshine na gumawa ng kalaswaan o “nag-batibot” si Cesar sa harap ng kanilang daughters.

Natatandaan ko na halatang-halata sa mukha ni Cesar ang pinipigil na galit nang magsalita siya tungkol sa demanda sa kanya ni Sunshine.

Mariin na pinabulaanan ni Cesar ang bintang ng kanyang soon-to-be ex-wife at pinaniwalaan siya ng mga tao.

Vindicated si Cesar dahil hindi umakyat sa korte ang reklamo ni Sunshine dahil ibinasura ito ng prosecutors office ng Quezon City.

Nakumbinsi si Assistant City Prosecutor Ferdinand Baylon na dapat na i-dismiss ang kaso dahil walang matibay na ebidensya si Sunshine. Hindi rin ipinirisinta sa korte ang mga bagets para patunayan na nakita nila na “nagbabatibot” ang tatay nila. Hindi rin daw notarized ang mga sulat ng bagets na naging basehan ni Sunshine para sampahan ng kaso si Cesar.

Hindi ginamit para sa publicity

At dahil vindicated si Cesar, wanted siya ng mga reporter na type na malaman ang reaksyon niya tungkol sa pagkakabasura ng prosecutors office ng Quezon City sa child abuse case.

Sa tingin ko, walang plano si Cesar na magsalita dahil napatunayan niya na inosente siya sa nakakaloka na reklamo ng kanyang dating asawa.

Sapat na ang resolution na matagal na pala na inilabas ng Quezon City Prosecutors Office pero pinili ni Cesar na manahimik.

Kung tama ang kalkulasyon ko, natanggap ni Cesar ang resolution bago pa magkaroon ng presscon para sa Bakit Manipis Ang Ulap? pero hindi niya ginamit ang personal issue para pag-usapan siya at magkaroon ng publicity.

Sinabi lang niya sa presscon na “very happy siya” pero hindi na nag-elaborate si Cesar. Pinabayaan niya ang mga reporter na mag-conclude sa source ng kanyang happiness. ‘Yun pala, dismissed ang child abuse case na pinagpistahan ng mga tsismosa at mahihilig sa intriga noong nakaraang taon.

At dahil manipis na ang ulap sa buhay ni Cesar, tiyak na inspired na inspired siya na magtrabaho at mag-promote ng Bakit Manipis Ang Ulap? na mapapanood ang pilot episode sa  February 15 sa TV5.

Cesar at Sunshine ipinagdarasal na matulad kina Raymart at Claudine

Tahimik pa ang kampo ni Sunshine Cruz tungkol sa dismissal ng child abuse case laban sa dating mister niya.

Ang sey ng mga reporter, tiyak na matagal nang lumitaw ang balita kung naging pabor sa complainant ang desisyon ng Quezon City Prosecutors Office.

Actually, marami ang nalungkot sa kinahinatnan ng relasyon nina Cesar at Sunshine dahil one big happy family sila noon.

Hoping ang mga concerned friend nina Cesar at Sunshine na magiging magkaibigan sila tulad ng nangyari kina Raymart Santiago at Claudine Barretto na leading lady ni Cesar sa Bakit Manipis Ang Ulap?

Well-publicized ang pag-aaway noon nina Claudine at Raymart. Palaging may mga TV camera sa bawat araw na nagpupunta sila sa Marikina Hall of Justice dahil sa kanilang mga kontra-demanda nila laban sa isa’t-isa.

Noon ‘yon dahil ngayon, magkaibigan na sila ni Raymart ang pralala ni Claudine. On hold daw ang  annulment case nila alang-alang sa kanilang mga anak.

Puwedeng mangyari kina Cesar at Sunshine ang nagaganap sa kasalukuyan na relasyon nina Raymart at Claudine pero nasa kanila pa rin ang pagpapasya, wala sa mga tao sa paligid nila.

Show comments