Six years old pa lamang noon si Pauleen Luna nang siya’y sumali sa popular seasonal segment ng Eat Bulaga, ang Little Miss Philippines na siya ring pinagmulan ng maraming sikat na personalidad ngayon tulad nina Aiza Seguerra, Gladys Reyes, Ryzza Mae Dizon at iba pa. Ang isa sa mga haligi at main host ng Eat Bulaga na si Vic Sotto pa mismo ang nag-interview kay Pauleen before and after the talent portion. Twenty one years later, walang mag-aakala na muling magtatagpo ang landas nina Vic at Pauleen sa pamamagitan din ng Eat Bulaga kung saan naging bahagi ang dalaga since 2006 bilang isa sa mga co-host.
Kilala si Vic sa pagiging ladies’ man at bukas na aklat ang kanyang mga naging kasintahan noon after his break-up with his ex-wife na si Dina Bonnevie kung kanino siya may dalawang anak – sina Danica at Oyo na pareho nang may pamilya ngayon.
Matagal ding naging kasintahan ni Vic si Coney Reyes at ang isa sa mga Dabarkads na si Pia Guanio pero nagkahiwalay sila at dito na pumasok si Pauleen na tinutulan ng mga anak ng veteran TV host-comedian nu’ng simula.
It was in September last year nang mag-propose si Vic kay Pauleen at ikinasal naman sila last Saturday, ng gabi sa St. James The Great Parish Church sa Ayala Alabang in Muntinlupa City na dinaluhan ng mga anak (Danica, Oyo, Paulina, at Vico), children-in-laws na sina Mark Pingris at Kristine Hermosa at mga apo ni Vic ganoon din ng kanilang respective families ni Pauleen, mga kasamahan sa trabaho sa Eat Bulaga at ang kanilang malalapit na kaanak at mga kaibigan.
Ngayong mag-asawa na sina Vic at Pauleen, gusto muna ng huli na pansamantalang magpahinga sa Eat Bulaga para matutukan niya ang kanyang bagong role bilang maybahay ni Bossing at mabigyan ito ng Little Vic or Little Pauleen.
Antoinette naghihintay pa rin ng lalaking ibibigay ni Lord
Dalawang taon na ring nakabalik sa Philippine showbiz ang magkapatid na Antoinette at Tom Taus matapos nilang mamirmihan sa Amerika sa loob ng sampung taon with their parents.
Ang inaasahang bakasyon lamang in 2014 ng magkapatid ay nauwi sa kanilang muling pamamalagi sa Pilipinas para bigyan ng second chance ang kanilang respective careers.
Toni (Antoinette) is active again sa kanyang singing at acting career sa tulong ng Viva Artists Agency na siyang namamahala sa kanila ni Tom habang ang huli ay mas aktibo ngayon sa kanyang pagiging VJ at host.
Inamin sa amin ni Toni na loveless pa rin umano siya hanggang ngayon but she’s not looking for one. Naniniwala si Toni na may tamang guy na darating sa kanyang buhay someday. In God’s perfect time.
Grand Caravan ng TV5 at Viva TV tagumpay, dinagsa ng fans
Successful ang isinagawang joint grand caravan ng TV5 at Viva TV last Sunday ng hapon sa Activity Center ng Market! Market! sa Taguig City kung saan dumalo ang mga star ng bagong programa na matutunghayan sa TV5 simula ngayong darating na Sabado tulad ng Born to be A Star, Tasya Fantasya, Wattpad Presents Movie TV, at MTV Top 20 Pilipinas to be hosted by VJ Aryanna na susundan ng bagong TV series na Bakit Manipis ang Ulap?, isang Danny Zialcita original na matutunghayan on February 15 at ang pagbabalik sa ere ng Ang Panday on February 29 .
Hosted by Candy Pangilinan at Giselle Sanchez, dumalo sa nasabing okasyon ang top honcho ng Viva na si Boss Vic del Rosario kasama ang kanyang lady-love na si Joanne Quintas.
Sina Pops Fernandez, Andrew E., at Aiza Seguerra, ang tatlo sa mga hurado ng singing reality search na Born To Be A Star ay nagpaunlak ng kanta pero hindi nakarating ang mga host ng programa na sina Ogie Alcasid, Mark Bautista, at Yassi Pressman.
No-show din ang bida ng Ang Panday na si Richard Gutierrez pero dumating ang child star na si Alonzo Muhlach who will play an important role sa serye. Nagpakitang gilas si Alonzo sa pamamagitan ng isang song and dance number.
Wala pa ring kupas si Andrew E. when he performs on stage. Ipinamalas naman ni Ella Cruz ang kanyang husay sa pagsasayaw. Naroon din ang bagong loveteam nina Shy Carlos at Mark Neumann na siyang mga pangunahing bituin ng Tasya Fantasya. Nag-alay din ng kanta ang maganda at seksing si Meg Imperial ganundin ang aktres na si Claudine Barretto at iba pa.
Dumating din ang isa sa mga leading men ng Bakit Manipis ang Ulap? na si Cesar Montano kasama ang iba pang cast ng mga bagong programang aabangan sa Kapatid Network.