Sam malaki ang ‘pakinabang’ kay Pia

SEEN: Hindi napigilan ang mga miyembro ng media na magbantay sa  simbahan na pinagdausan ng pag-iisang dibdib nina Pauleen Luna at Vic Sotto dahil sa kagustuhan nila na makakuha ng balita at scoop photos.

SCENE: Kasali si Miss Universe Pia Wurtzbach sa Go Red For Women Red Dress Collection Fashion Show ng American Heart Association sa New York sa February 11, 2016.

Makakasama ni Pia sa fashion show si Miss Universe 2012 Olivia Culpo at mga Hollywood star.

SEEN: Ang victory dinner ng Aces & Queens at Mercator para kay Pia Wurtzbach sa isang bar/restaurant sa Bonifacio Global City noong Biyernes. Ang Aces & Queens ang nagsanay kay Pia bago ito sumabak sa Miss Universe.

SCENE: Spotted sa victory dinner para kay Pia Wurtzbach si Sam Milby na pilit na inili-link sa newly-crowned Miss Universe. Si Sam ang nakikinabang nang husto sa mga publicity dahil sa pag-uugnay sa kanya kay Pia.

SEEN: May chance na maging close sa isa’t-isa ang consistent na sagot nina Shy Carlos at Mark Neumann sa mga nagtatanong kung posible na magkagustuhan sila. Sina Shy at Mark ang mga bida sa television remake ng Tasya Fantasya ng TV5.

SCENE: Magsisimula sa February 6 ang Tasya Fantasya. May pressure na nararamdaman sina Shy at Mark sa nalalapit na pag-uumpisa ng kanilang weekly romantic show sa TV5.

SCENE: Ang pag-uusap ng mga producer ng local films na nagkaisa para sa bagong Metro Manila Film Festival. Dumalo sa meeting ang mga movie producer na sina Malou Santos ng Star Cinema, Vincent del Rosario ng Viva Films, Mother Lily, Dondon  at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment Inc., Tony Gloria ng Unitel Pictures at ang mga direktor na sina Manny Valera, Paul Soriano, Joey Reyes,  Jun Lana, Perci Intalan at Erik Matti.

Show comments