^

PSN Showbiz

Walang Tulugan, babu na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tuluyan nang mamamaalam sa ere ang twenty-year-old Saturday late night musical-variety program ni German “Kuya Germs” Moreno sa GMA, ang Walang Tulugan with the Master Showman na huling ma­papanood sa darating na Peb­re­ro 6. Na­ging bahagi kami sa nasabing programa sa loob ng apat na taon since January 2012 sa pama­magitan ng aming  segment ni Kuya Germs na Celebrity Talk.

Sa loob ng 20 taon, napakara­ming magagandang alaalang  baba­unin ang bawat isa ng mga na­ging bahagi ng programa laluna ang mara­ming ka­bataan na pinagbuksan ng pintuan ni Kuya Germs para mapabilang sa mundo ng showbiz.

Sa halos 80 young talents na naging bahagi ng Walang Tulugan with the Master Showman, marami na rin sa kanila ang may kani-kanya ng pangalan ngayon tulad nina Jake Vargas, Hiro Peralta, Prince Villegas, Michael Pangilinan, Marlo Mortel, Rhen Escano, Renz Valerio, Buboy Villar at iba pa na ang iba sa kanila ay contract artists na rin ng GMA Artists Center habang sina Marlo Mortel at Michael Pangilinan ay nasa bakuran na nga­yon ng ABS-CBN.

Hindi man natupad ni Kuya Germs na maibalik sa ere ang youth-oriented program na That’s Entertainment na pinagmulan ng mahigit 200 stars and talents na tinitingala  ngayon, kahit papaano’y nagawa niya ito sa Walang Tulugan  kahit on a very limited basis.

Kuya Germs made a remarkable  dent sa kanyang paglisan dahil sa unwavering help na hindi niya ipinagkait sa pamamagitan ng kanyang mga prog­rama noong siya’y nabubuhay pa.

Kung tumatak sa alaala ng mga manonood ang mga nagawang iba’t ibang programa ni Kuya Germs tulad ng Daigdig ng mga Artista, Negosyete, Germcide, Germspecial, GMA Supershow, That’s Entertainment at ngayon ang Walang Tulugan with the Master Showman, laluna siguro sa mga kabataan, mga artista, singers, performers, dancers, record and movie producers, concert artists and producers at iba pa na nabigyan ng puwang sa mga programa ng Master Showman.

To Kuya Germs and my Walang Tulugan... family at sa lahat ng tumangkilik sa programa sa loob ng 20 taon, maraming salamat sa apat na taon kong inilagi sa programa sa pamamagitan ng Celebrity Talk segment with Kuya Germs and eventually with John Nite.

Mga taga-UKG mistulang mga kupido kina Atom at Pia

Magtagumpay kaya ang mga taga-UKG (Umagang Kay Ganda) ng Kapamilya Network sa kanilang pagiging “cupid” sa kanilang kasamahan sa prog­rama na si Atom Araullo at sa reigning Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach?

Among the hosts ng UKG, si Atom ang nagkaroon ng pagkakataon na ma-interview ang 2015 Miss Universe para sa kanilang programa bagay na ikinakilig hindi lamang ng kanyang mga kasamahan sa daily morning program ng ABS-CBN kundi maging sa mga fans ni Atom at ni Pia.

During the interview, halatang may conscious factor sa pagitan nina Pia at Atom at sa isang interview kay Pia ay sinabi niyang charming si Atom.

Guwapo, single, at matalino si Atom at si Pia bukod sa kanyang korona ay napakaganda at matalino.

Anything is possible. ‘Di ba, Salve A.?

Pia gustong mag-artista sa Amerika

Speaking of Pia, consistent ito sa kanyang pagsasabi na pangarap niyang maging isa sa mga Bond Girls ng James Bond movie franchise sa hinaharap. Open din siya sa posibilidad na manatili at magtrabaho sa Amerika kung may magandang opportunity na darating sa kanya pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe na magtatapos sa December 2016.

Open din si Pia sa posibilidad na balikan ang kan­yang naunsyaming showbiz career sa Pilipinas kung saan talaga siya nagsimula.

Sa ganda, husay at talino ni Pia, tiyak na mara­ming magagandang offer ang naghihintay sa kanya.

ACIRC

ALIGN

ANG

KUYA GERMS

LEFT

MASTER SHOWMAN

MGA

QUOT

SHY

STRONG

WALANG TULUGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with