Masayang-masaya si Jessy Mendiola na isa siya sa mga napili ng netizens na gumanap bilang si Darna sa pelikulang gagawin ng Star Cinema. Sina Liza Soberano at Nadine Lustre ang iba pang napili ng mga tagahanga na gumanap ng Darna.
Naging kontrobersyal ang mga larawang nai-post ni Jessy sa Instagram kamakailan kaya nakita ng mga tagahanga na nababagay sa aktres ang role. “I’m very flattered and I have to be honest about it. It has been one of my dream roles ever since, but when you post something online, kahit pa siguro nakatalikod ako o kaya nakahiga ako somewhere, o kumakain ako ‘yun pa rin ‘yung comments, Darna. I am really happy and flattered, people want the role for me,” bungad ni Jessy.
“I do want the role also but kung kanino man mapupunta ‘yun I’m sure naman napag-desisyunan ‘yun, napag-isipang mabuti ng mga kataas-taasan,” dagdag pa ng dalaga.
Kamakailan ay nabanggit ni direk Erik Matti sa kanyang pahayag na magpapa-audition sila para sa mga kwalipikadong gumanap sa karakter ng Pinoy heroine. Interesado raw na mag-auditon si Jessy para sa role. “Oo, bakit naman hindi? Kasi ‘yun naman talaga ‘yung dapat,” giit ng dalaga.
Paghahandaan talaga ni Jessy ang pelikula kung sakaling siya ang mapipiling gumanap ng Darna. “I think proper training naman ‘yun tsaka workshops and proper guidance. I mean, bilang isang heroine ang tingin ko hindi lang physical or hindi lang ‘yung look ang pagiging hero, kailangan ‘yung personality niya, ‘yung pinagdaanan niya, ‘yung aura niya kung gaano siya kalakas, kung paano niya tine-take ‘yung mga mahihirap na bagay sa buhay. ‘Yun ang superhero para sa akin,” pagtatapos ng dalaga.
PBB Housemate na si Kit balik-eskuwela sa Amerika
Kumukuha ng kursong film ngayon si Kit Thompson sa New York Film Academy sa Amerika. Marami-rami na raw natutunan ang Pinoy Big Brother Teen Edition housemate sa sandali pa lamang na panahon na pag-aaral niya roon. “It has been amazing so far. I have learned a lot of different techniques like Meisner, Shakespeare, Improvisation and Uta Hagen. Also I have been doing voice and movements classes and I learned how to edit and shoot scenes in film craft. I have been all around New York and it still feels like there is so much more to see. My life here is very different comparing with my life in Manila,” pagbabahagi ni Kit.
Ngayon ay nasa Maynila ang aktor para sa promotion ng pelikulang Lakbay2Love na mapapanood na simula sa Miyerkules sa mga sinehan. Kasama ni Kit sa nasabing proyekto sina Solenn Heaussaff at Dennis Trillo.
Miss na miss na raw ni Kit ang mga pagkain sa Pilipinas lalo pa’t sa Amerika siya nagdiwang ng kapaskuhan. “I miss dried mango. I miss the warm weather and great people, also the food. I plan to do what I love, act and spend time with family and friends,” nakangiting pahayag ni Kit.