Ikalawang art exhibit ni Heart pinagbibidahan ng mga isda

Ngayon ang simula ng solo art exhibit ni Heart Evangelista sa Artist Space ng Ayala Museum Annex.

Kagabi ang grand opening night ng art exhibition ng talented wife ni Senator Chiz Escudero.

Ito ang pangalawang art exhibit ni Heart sa Ayala Museum at natatandaan ko na sold out ang lahat ng paintings sa unang art exhibit niya noong  May 2014.

Fish Series ang makikita sa latest art exhibition ni Heart na makikita sa Ayala Museum mula ngayon hanggang sa February 9, 2016.

Bagong henerasyon walang alam sa history Tasya Fantasya mas matanda kay Yaya Dub

Invited ako sa presscon para kay Carlo Caparas noong Huwebes sa Viva Films office pero hindi ako nakapunta dahil sa taping ng CelebriTV. Guest namin si Dennis Trillo na nag-promote ng Lakbay2Love na pelikula nila ni Solenn Heussaff. Showing sa mga sinehan sa February 3 ang Lakbay2Love.

Anyway, ang Tasya Fantasya at Ang Panday ang dalawa sa maraming kathang-isip ni Papa Carlo na ginawa na teleserye at mapapanood sa TV5.

Libo-libo na ang bilang ng mga kuwento sa komiks at short stories na isinulat ni Papa Carlo. Siguradong masusundan pa ang Tasya Fantasya at Ang Panday ng ibang mga nobela niya na sinubaybayan noon sa komiks at naging pelikula at teleserye.

Mali ang akala ng current generation na ginaya ni Tasya Fantasya si Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Bago pa isinilang si Yaya Dub, may Tasya Fantasya na si Papa Carlo. Hindi pa ipinapanganak si Maine Mendoza, may Tasya Fantasya movie na noong 1994. One year older si Tasya Fantasya kay Maine dahil 1995 ito nang isilang.

Willie ganado sa pagsisimula ng araw-araw na show

Maaga ako na nagpunta sa birthday dinner para kay Willie Revillame sa sosyal na bahay niya sa Ayala Heights Village noong Miyerkules.

Inihahanda pa lang ang mga pagkain para sa birthday dinner nang dumating ako.

Happy si Willie dahil natupad na ang dream niya na maging daily show ang Wowowin,  ang kanyang game show na nag-babu noong nakaraang Linggo.

Hindi nalungkot ang fans ni Willie nang magpaalam ito dahil alam nila na mas maganda at malaki ang kapalit.

Lalong ginanahan si Willie sa pagtatrabaho dahil araw-araw nang mapapanood sa GMA 7 ang Wowowin.

Malaki ang tsansa na matuloy na rin ang Middle East at U.S. tour  ni Willie dahil daily show na ang Wowowin. Ang makita siya nang personal ang special request sa GMA 7 management ng mga kababayan natin sa buong  mundo na subscribers ng GMA Pinoy TV.

Show comments