Angeline at Erik halatang nagsisinungaling

Magaling na peformers sina Angeline Quinto at Erik Santos kaya nakapagtataka kung bakit kailangang sumakay sila sa pinalilitaw na isyu ng pagkakaro’n nila ng relasyon bukod sa pagiging magkaibigan.

Keri naman nilang i-promote ang mga palabas at konsyerto nila kahit wala silang romansa. Lumalabas pa silang katawa-tawa at hindi kapani-paniwala kapag nagsisinungaling sila.

Ikalawang Sinag Maynila Filmfest aarangkada na

Pinaghahandaan na ang ikalawang Sinag Maynila Film Festival na sinimulan nina Wilson Tieng ng Solar Entertainment at direktor Brillante Mendoza at magaganap sa Abril 21-26.

Ang Sinag Maynila ay hindi lamang nagbibigay ng financial grants sa mga direktor para magawang full-length movies ang mga istorya nila kundi para mabigyan ang mga ito ng international exposure. Marami sa mga naging entry nila last year ay nakasama na sa mga international film festival.

Show comments