MANILA, Philippines — Isa si ABS-CBN star Liza Soberano sa mga nakikita ni Miss Universe Pia Wurtzbach na maging kagaya niya.
Sa isang live question and answer portion ni Pia sa microblogging site Twitter tinanong ang 26-anyos na beauty queen gamit ang hashtag na #AskMissUniverse kung sino sa mga Pinay celebrities ang sa tingin niya ay maaaring maging Miss Universe.
Inilarawan ni Pia si Liza na “beautiful” na isa sa mga kinakailangan sa pageant.
I can think of a lot. But if I had to pick one.. Liza Soberano. She's beautiful! -Pia #askmissuniverse https://t.co/AS5l7dCUns
— Pia Alonzo Wurtzbach (@MissUniverse) January 28, 2016
Nitong nakaraang buwan lamang ay isinama si Liza sa TC Candler's "100 most beautiful faces of 2015" ng Independent Critics List.
Nasa ikaanim na pwesto si Liza kung saan dinaig niya ang Hollywood actresses like Emilia Clarke at Chloe Moretz.