Nanay nina Anne nagsalita na rin sa pagiging ‘malandi’ ni Jasmine!

Madi-disappoint ang nag-isip at naniwalang pag-aawayan nina Anne Curtis at kapatid na si Jasmine Curtis-Smith ang pagba-viral ng snapchat nina Jasmine at Erwan Heussaff na binigyan ng malisya ng ibang nakakita.

Una nang nag-react si Solenn Heussaff, nagsalita na rin si Anne via Twitter at wish nito na matapos na ang isyu dahil wala naman daw talagang isyu. “This is the only time I will comment on this issue. So Please STOP saying awful things about my sister & boyfriend,” pakiusap ni Anne.

Nag-react din ang mother nina Anne at Jasmine sa isyu thru Instagram (IG) naman. “Sa lahat na nagsasabi makati malandi ang anak ko na si Jasmine, huwag kayong manghusga at alamin ang katotohanan, hindi ako nag co comment pero sobra na  kau!!!”

Angeline todo-takbo para sa Valentine

Siguradong masaya ang Starmedia Entertainment at IME, producers ng Royals concert nina Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto, at Regine Velasquez dahil masipag mag-promote ang apat sa kanilang Va­lentine’s Day concert.

Punung-puno ang IG ng apat ng poster ng Royals at publicity photos ng kanilang concert sa February 13, sa SM MOA Arena at sa Feb. 14, sa Waterfront, Cebu City.

Samantala, may picture si Angeline na nagpapahinga sa pagtakbo sa UP Diliman. Hindi lang pala swimming ang paghahanda ni Angeline at tiyak, nagdyi-gym pa. Pero parang siya lang sa apat ang masipag sa paghahanda.

Pag-aagawan nina Barbie at Yassi kay Andre hinihintay ng fans

May nanonood ng That’s My Amboy dahil kay John Arcilla na mas kilala nila bilang si Henera Luna. Aliw ang fans ng aktor dahil puwede pala siyang mag-comedy at mag-deliver ng maling English.

Hindi rin maka-get over ang fans ni John na nagpapaka-action star siya sa role niyang stunt director at naka-leather jacket. Tiyak na idea ito ni director Joyce Bernal na unang nakilalang editor ng action movies at gamay ang ayos at kilos ng mga action star.

Sa That’s My Amboy naman, given nang magaling si Barbie Forteza, ang ikinagulat ng viewers ay si Andre Paras dahil marunong daw pala itong umarte at guwapo pa.

Samantala, may fans na nagtatanong kung puwede raw bang magsama-sama sa TV show at pelikula sina Andre, Barbie, at Yassi Pressman. Sana raw, after That’s My Amboy at Viva Films movie na Girlfriend For Hire na showing sa February 10, matupad ang wish nilang mapanood sa isang project ang tatlo.

Nanay ni Jessy pinatos ang basher ng Darna

Kung hinahayaan ni Jessy Mendiola na i-bash siya nang magsuot ng Darna costume sa Banana Sundae, ang ina nito ang pumapalag at nagtatanggol sa anak. Natawa kami nang sagutin ng mom ng aktres ang nag-comment na hindi bagay kay Jessy ang maging Darna.

Sagot ng mom ni Jessy, “puro ka damit and you don’t seem happy in life sayang at di mo siya kilala ng lubusan lagyan mo ang mga damit ng tao above all put some heart.”

Panalo ang mommy ni Jessy sa hirit at hindi na nakasagot ang ba­sher. Ang damit na tinukoy nito ay ang mga damit na ibinebenta online ng basher. Obviously, binisita nito ang IG account ng basher bago sumagot.

Ang nakakaloka, hindi naman sinabi ni Jessy na siya na ang gaganap na Darna, may disclaimer nga siya nang i-post nito ang picture na naka-Darna costume. Malinaw na sinabi nito na para sa Banana Sundae lang ang pagsusuot niya ng costume. Binanggit din nitong sumunod lang siya sa utos ng director ng show.

Show comments