MANILA, Philippines – Kasal na sina Cristine Reyes at martial arts expert Ali Khatibi. Kahapon ay nakabalantra sa social media ang litrato ng kanilang kasal na ginanap sa Balesin Island sa Quezon Province.
Ang sabi, napaka-simple ng ginanap na kasalan dahil walang masyadong preparation, walang bonggang set up, walang make up artist, hindi designer ang sinuot na gown ni Cristine at walang bonggang music.
Tulad sa naunang sinabi ni Cristine, iilan lang daw ang guest sa naturang kasalan – tanging ilang mga kaibigan at kamag-anak ng dalawa ang dumalo.
Nauna nang sinabi ni Cristine na gusto lang nilang itama ang pagsasama ng ama ng kanyang anak na si Amarah.
Magkakaroon din naman daw sila ng big wedding na kailangan pa nilang paghandaan.
Abala ngayon si Cristine dahil balik-trabaho siya sa seryeng Tubig at Langis sa ABS-CBN.
OTWOL at PNP hindi pa nagkakaayos, sorry hindi tinanggap
Hindi pa pala nagkakaayos ang Philippine National Police (PNP) at ang humahawak sa programang On the Wings of Love ng ABS-CBN kahit nag-public apology na ang programa matapos magsuot ng uniporme ng police si James Reid sa isang eksena nila ni Nadine Lustre. Mismong si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Toto Villareal ang nagbanggit na mas nagalit ang pamunuan ng PNP dahil hindi na-recognize ang ginawa ng character ni James (Clark) sa nasabing eksena. Ang katuwiran daw ng PNP, bakit hindi sa kanila nag-consult samantalang tumutulong nga sila sa Ang Probinsyano.
Kaya naman nagkaroon sila ng hearing uli sa MTRCB at doon nagkasundo sa pamamagitan ng talk show format na mag-eere ang programa ng isang eksena kung saan ipaliliwanag ang pagkakamali sa pagsusuot ng uniform ng police sa eksena na walang koneksiyon sa trabaho ng isang police. Mapapanood umano ito on or before February na magsisilbing statement of apology and action ayon kay Chairman Villareal.
More than two weeks ago nang maglabas ang ABS-CBN ng apology kung saan nag-apologize sila sa ginawa ni Clark sa bridal shower ni Leah (Nadine).
Heart seryoso na sa pagluluto
Sumabak na rin pala sa cooking classes kasama ang kanyang kapatid na si Cam Ongpauco at pinsan na si Happy Ongpauco-Tiu na isa ring magaling na chef, si Heart Evangelista-Escudero.
Kaya naman hindi nakakapagtaka kung magiging certified chef na rin ang actress and painter.
October last year naman nang i-announce ni Heart na magkakaroon sila ng mommy niyang si Cecile ng cookbook.
“I may not be an expert but my mom is a goddess when it comes to cooking! I can’t wait to work on our cookbook!” ika ni Heart sa isang Instagram post.
Inaabangan na sa Star World Asia ang cooking show ni Heart na pinamagatang Foodtrip kasama ang celebrity chef na si Stefano Medicci.
Nanay ng young actress ibinubugaw ang anak sa ka-partner
May pagka-bugaw pala ang ugali ng nanay ng isang young actress. Ayon sa source, mismong ang mother ni young actress ang nagsasabi sa malalapit sa young actor na ka-partner ng anak niya na ayain naman niya ang anak na manood ng sine.
Kaso ayaw daw talaga ni young actor na patusin ang dalaga ni mother kaya kahit anong pilit nito na magkalapit ang anak niya at ang young actor na ka-partner ng kanyang daughter sa serye, waley nangyayari ayon sa source.
Ibang tipo ng girl daw kasi ang trip ni young actor at hindi ang ka-partner na may pagka-jologs ang ugali.