Sa February 15 ay magsisimula na sa Kapamilya network ang teleseryeng Dolce Amore na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Magkahalong emosyon daw ang nararamdaman ngayon nina Liza at Enrique para sa kanilang bagong proyekto. “I’m nervous, excited, parang ‘yung Forevermore lang, same feeling. Well, I mean it’s been a while na lumabas kami sa TV together and I just want it to be as enjoyable as Forevermore,” bungad ni Enrique.
“I’m just happy, I’m happy to be back and give the fans something to watch every night. Kinakabahan din po ako,” pahayag naman ni Liza.
Ayon sa aktres ay ibang-iba ang kanyang karakter sa bagong serye at hindi siya prinsesa rito katulad ng inaakala ng ilang mga manonood. “I’m not a princess in the story. Actually na misinterpret lang ng mga tao sa teaser. It’s not really a princess, parang princess-like lang because she comes from a glamorous family and everything, but not a princess,” paglilinaw ni Liza.
Samantala, ngayong nalalapit na ang araw ng mga puso ay nagbabalak daw si Enrique na mai-date si Liza kung mabibigyan ng pagkakataon. “Dapat, yeah, kung may free sched. Feeling ko kasi magiging busy kasi malapit nang lumabas ‘to (Dolce Amore), pero kung may masisingit, yeah,” pagtatapos ng aktor.
Sa misis lang puwede Janice ayaw pa ring makatrabaho si John
Ilang linggo nang napapanood ang teleseryeng Be My Lady na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Kasama rin sa nasabing serye sina Janice de Belen at Priscilla Meirelles.
Nakakaramdam ng pagkailang si Janice na dating asawa ni John Estrada sa tuwing makikita at makakasama si Priscilla na siyang asawa ngayon ng aktor. “There will always be awkwardness. Hindi kami magkaaway pero there will always be awkwardness. Because of the situation, kasi paano ba namin gagawin ‘yun? I mean, let’s say we wanted to become friends, anong pag-uusapan namin? Medyo weird naman konti, ‘Oh, kamusta na asawa mo?’ I mean it’s really weird,” paliwanag ni Janice.
“We’re not enemies. We will not be enemies. There’s no reason for us to be enemies pero parang weird talagang maging friends,” dagdag ng aktres.
Hindi raw papayag si Janice kung sakaling may mag-alok sa kanya na makasama si John sa isang proyekto. “We may be okay, we may be on speaking terms but working together? It’s too complicated. Too complicated because ngayon na si Priscilla pa nga lang ‘yung katrabaho ko na wala naman kaming problema, what more kung kami ni John? Too much complication. Huwag nang ganoon, okay na kami,” giit pa niya.