Solenn nagsalita na sa ‘scandal’ nina Erwan at Jasmine

May patutsada si Solenn Heussaff sa mga nagbigay ng malisya sa litrato na magkayakap ang kanyang kapatid na si Erwan Heussaff at sa hilaw na hipag nito na si Jasmine Curtis Smith.

Naglabas din si Solenn ng litrato nila ni Erwan na magkayakap at may caption na “OMG!!!!! Nakakaloka sila!!!! Magkapatid sila!! Soo groosss! At tingnan niyo shirtless pa si Solenn!!! Full of malice!!!na may hashtag na  #GawinNatinIssueTo#TayoNaClose#ATasteOfYourOwnStupidity.”

Binura na ni Jasmine ang litrato nila ni Erwan na naging kontrobersyal dahil namalisyahan ang kanyang followers.

Normal lang na ipagtanggol ni Solenn si Erwan dahil magkapatid sila pero hindi niya dapat makalimutan na konserbatibo ang mga Pilipino kaya shocking sa kanila ang litrato na yakap ni Erwan ang younger sister ni Anne Curtis.

Naisip din sana ni Solenn na kahit kailan, hindi bibigyan ng malisya ang hugging picture nila ni Erwan dahil magkapatid sila.

Pinag-uusapan nga­yon ang reaksyon at opinyon ni Solenn tungkol sa deleted photo nina Erwan at Jasmine kaya nagpista ang mga basher niya.

Ilang linggo nang laman ng mga balita si Solenn dahil dalawang pelikula na pinagbibidahan niya ang magkasunod na ipalalabas sa mga sinehan, ang Lakbay2Love at Love Is Blind.

Nakatulong sa publicity ng mga coming soon movie ni Solenn ang denial niya na nagpakasal siya sa Argentina at ang kanyang pang-iinsulto sa mga nag-isip ng masama tungkol sa too close for comfort na pictures nina Erwan at Jasmine.

May reaksyon din si Anne Curtis tungkol sa litrato ng kanyang boyfriend at kapatid pero burado na rin.

Na-realize siguro ni Anne na lalong mabibigyan ng malisya ang litrato dahil sa kanyang reaksyon na “It’s your birthday but dude that’s my sister. Bye.”

Eh malakas ang imagination ng mga nakabasa sa deleted din na Facebook post ni Anne kaya na-remember nila ang kuwento ng In Your Eyes, ang pelikula ng GMA Films na tinampukan nina Anne, Claudine Barretto, at Richard Gutierrez. Tungkol sa magkapatid na nagkaroon ng lamat ang relasyon dahil na-in love sila sa iisang lalaki ang kuwento ng In Your Eyes.

Maine at Pia nagkabatian sa kalsada

Papunta si Maine Mendoza sa isang event sa Makati City noong Lunes nang matiyempuhan niya ang grand homecoming parade ni Miss Universe Pia Wurtzbach.

Binuksan ni Maine ang bintana ng kanyang sasakyan at kinawayan niya si Pia na nakita naman siya at bumati rin.

Hindi personal na magkakilala sina Maine at Pia pero may koneksyon sila.

Ang AlDub, ang fans nina Maine at Alden Richards, ang hiningan ng tulong ni Pia para sa social media votes nang lumaban siya sa Miss Universe noong nakaraang buwan. Hindi nabigo si Pia dahil sinuportahan ng AlDub at ng milyun-milyong Pinoy ang pagsali niya sa Miss Universe. Touched na touched si Pia sa suporta na natanggap mula sa ating lahat kaya eternally grateful siya.

Paulit-ulit na lang, Pia walang oras magpalit ng hairdo

Babaeng walang pahinga ang peg ni Pia dahil sa rami ng schedule niya mula nang bumalik siya sa Pilipinas noong Sabado.

Nakakapagod ang kanyang homecoming parade noong Lunes pero balewala ito compared sa pagmamahal na ipinaramdam ng mga nag-abang sa pagdaan ng motorcade niya.

Hindi na nga magawa ni Pia na palitan ang kanyang hairdo dahil palagi siyang naghahabol sa oras. Nandiyan ang mga courtesy call sa Senado, sa Malacañang Palace, kay Manila City Mayor Joseph Estrada, at sa alkalde ng Makati City.

Pelikula ni Matt Damon mahirap magaya ng mga Pinoy produ

Dalawang pelikula ang pinanood ko sa eroplano nang pumunta ako sa Japan, ang The Intern at The Martian.

Napasigaw ako habang pinapanood ang eksena ng pagliligtas kay Matt Damon sa The Martian kaya nagulat ang mga katabi ko na pasahero.

Pagdating ko sa Japan, palabas pa lang sa mga sinehan ang pelikula ni Matt. Magkatabi lamang ang sinehan at ang hotel na tinuluyan ko sa Shinjuku, Tokyo.

Highly-recommended ko sa lahat na panoorin ang The Martian na mahirap magaya ng mga Filipino movie producer.

Show comments