Kamakailan ay inamin ni Zanjoe Marudo na nagkahiwalay na sila ni Bea Alonzo. Abala ngayon ang aktor para sa teleseryeng Tubig at Langis at kahit may pinagdadaanan ay hindi naman daw naging malungkot si Zanjoe habang ginagawa ang bagong proyekto. “Masaya sa set namin eh. Kahit mabigat ‘yung istorya pero ‘pag hindi na namin ginagawa ‘yung eksena masaya kaming lahat. May caterer kami na laging nagpapasaya sa akin, si Ate Nads (Montenegro). Kung ano ‘yung paborito kong pagkain, nando’n. Si Archie (Alemania) na maraming laman ‘yung cellphone na scandal,” natatawang kwento ni Zanjoe.
Wala pang bagong karelasyon ngayon ang binata pero nasa tamang edad naman daw siya upang makakilala ng bagong mamahalin. “Siguro sa edad kong ito, alam ko na siguro kung ano ‘yung tama at mali at kung sino ang dapat para sa akin. Parang hindi naman na ako pagsasabihan o papayuhan kung sino ang para sa akin. Siyempre , bilang mga magulang, kung sino ang mahal ko ‘yun ang mahal nila,” paliwanag ni Zanjoe.
Naniniwala rin daw ang aktor sa ‘second chance’ pagdating sa pag-ibig. “Naniniwala ako sa second chance, sa third chance, fourth chance, marami. Lahat naman ng tao kailangan ng chance ‘di ba? Kailangan ng pangalawa or kahit ilan pang pagkakataon,” giit ni Zanjoe.
Matteo hindi biniktima ng maka-LizQuen
Masayang-masaya si Matteo Guidicelli sa kanyang pagkakasama sa teleseryeng Dolce Amore na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Nakasama rin si Matteo sa taping sa Italy para sa nasabing proyekto. “It feels great. Sobrang blessing ito dahil biglaan lang ‘to before the year (2015) ended, lumapit sila sa akin, ‘yung Star Creatives. Sabi nila they pitched a show and they are going to be shooting in Italy. Sabi ko, ‘Wow! Are you serious?’ Mag-i-Italiano ako and I am going to portray an Italian character. So meant to be, pangarap ko talagang magkaroon ng project na ganito,” nakangiting pahayag ni Matteo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ng aktor si Liza. Ayon kay Matteo ay masarap na katrabaho ang dalaga. “Liza is great. Batang-batang artista but when I was working with her, she’s very nice. She’s very fun to be with. I thought she was going to be shy but she’s very talkative. She has a lot of hidden talents in her. So nakakatuwa si Liza. It is so fun to be with her. ‘Yung mga car scenes na kami lang, tawanan lang, kuwento and all the stuff,” pagbabahagi ni Matteo.
Umaasa ang binata na susuportahan din siya ng mga tagahanga ng tambalang LizQuen kahit siya ang magiging ka-love triangle sa kwento ng serye. “Their fan base is really cool. Since nag-Italy trip kami, nagpo-post na kami ng pictures, kami ni Liza. The fans are awesome, they are very nice, they don’t bash or anything. They are very welcoming. They welcome me on Twitter so natutuwa naman ako,” kwento pa niya.