Ginawan ng bersyon ng sikat na Japanese harpist kanta ng APO na sumikat noong ‘80s, pinatutugtog pa rin sa Japan

Parang nasa Pilipinas lang ako sa tuwing nagpupunta ako sa restaurant ng hotel na tinuluyan namin sa Japan dahil sa instrumental version ng Batang Bata Ka Pa na paulit-ulit na pinapatugtog.

Ang sey ni Isah Red, ang world renowned Japanese harpist na si Tadao Hayashi ang tumugtog ng instrumental version ng kanta ng APO na sumikat noong dekada ‘80.

Sikat na Japanese musician si Tadao na nanirahan sa Pilipinas pero dito rin siya binawian ng buhay.

Hindi ko alam kung nalutas ng Caloocan Police ang pagpaslang kay Tadao sa bahay nito sa Caloocan City noong 2001.

Isang lalaki na masahista ang suspect pero hindi malinaw kung nadakip siya.

Nag-decide si Tadao na manirahan sa Pilipinas dahil nagustuhan niya ang Filipino culture at ang klase ng pamumuhay sa bayan natin.

Pati buhay may asawa pinakikialaman na Sen. Grace pilit itinutumba ng mga kalaban

Ikinagulat ni Senator Grace Poe ang tsismis na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Neil Llamanzares.

Pinabulaanan ni Mama Grace ang tsismis na imposibleng mangyari dahil si Papa Neil ang kanyang bestfriend at number one supporter.

Hindi katulad si Papa Neil ng ibang mister na maepal at nakikialam sa political career ng kanilang mga dyowa. Secured, confident at may sariling career si Papa Neil ‘no!

I’m sure, ang political opponents ni Mama Grace ang nagkakalat ng tsismis na hiwalay na sila ni Papa Neil. Kabadong-kabado na sila dahil malakas pa rin ang hatak sa masa ng kalaban nila sa presidential race sa eleksyon sa May 2016.

Erap, bag at kuwintas ang regalo kay Pia

Mother of pearl na bag at kuwintas ang personal gift ni Manila City Mayor Joseph Estrada kay Miss Universe Pia Wurtzbach nang magkita sila kahapon.

Pinarangalan at kinilala ng City of Manila ang tagumpay ni Pia sa Miss Universe. Kabilang si Papa Erap sa mga nagbunyi nang masungkit ni Pia ang Miss Universe crown na naging mailap sa mga Pinay sa loob ng 42 years.

Pangatlong beses na kasi Pacquiao-Bradley match ‘di na nakaka-excite

Wala sa plano ko na panoorin ang boxing match nina Congressman Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa April 9.

Happy na ako na napanood ko ang laban ni Papa Manny kay Floyd Mayweather, Jr. noong May 2015.

Wala nang exciting pa sa bakbakan nina Papa Manny at Mayweather, Jr. na talagang tinutukan ng buong mundo.

Hindi na ako excited sa Pacquiao-Bradley fight dahil pangatlong beses na ang paghaharap nila sa April ‘no.

Pero kung pumayag si Mayweather na labanan uli ang Pambansang Kamao, baka magbago pa ang isip ko.

Pacman balak magtayo ng business sa Japan

May balak daw si Papa Manny na magtayo ng gym sa Japan at ayon ito kay Ramil Diez, ang Pinoy businessman na sumundo at naghatid sa amin sa Narita International Airport nang magbakasyon ako sa Tokyo.

Ewan ko lang kung matutupad sa lalong madaling panahon ang kuwento ni Papa Ramil tungkol sa plano ni Papa Manny dahil magiging busy ito sa training para sa laban nila ni Bradley at sa pangangampanya bilang senatorial candidate ng political party ni Vice President Jojo Binay.

Show comments