In showbiz, wala talagang lihim na hindi nabubunyag lalo na kung ang involved ay mga kilalang personalidad.
Noong isang taon pa napabalita ang pagiging shaky umano ng relasyon ng magkasintahang John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ganundin nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.
Marami ang nagtaka nang magkabakasyon sina Bea at Zanjoe sa magkaibang lugar recently. Si Bea sa Japan at si Zanjo naman sa Europe. Doon pa lamang ay marami na ang nag-speculate na hiwalay na ang dalawa ngunit nanataling tahimik ang magkabilang kampo hinggil sa isyu ng hiwalayan.
Nakumpirma lamang ang break-up nina Bea at Zanjoe nang mag-guest ang huli sa Tonight with Boy Abunda at doon niya inamin na hiwalay na nga sila.
Nang kumalat ang balita na sina Bea at John Lloyd Cruz na umano ngayon, ang kasintahan mismo ni JLC na si Angelica ang nagsabi na sila pa rin ni John Lloyd pero hindi nagtagal ay muling napabalita na hiwalay na nga talaga ang dalawa. Ganunpaman, hindi pa rin malinaw kung totoong sina Bea at John Lloyd na ngayon na muling nagkasama sa mega hit movie na A Second Chance.
Sa kanilang mahigit isang dekadang partnership bilang successful na magka-loveteam, never na na-link romantically sa isa’t isa ang dalawa. Hangga’t hindi nagsasalita ang isa sa kanila o silang dalawa tungkol sa issue, mananatili ang espekulasyon ng publiko na totoo ang tsismis sa kanilang dalawa.
Mga ‘kapatid’ ni Alonzo nadagdagan na!
Lumagda ang inyong lingkod sa isang co-management deal with Viva Artists Center kamakailan lamang na aming sinimulan noong isang taon sa pamamagitan ng child star na si Alonzo Muhlach. Ang iba pa naming mga bagong alaga ay kinabibilangan nina Ian de Leon, Francine Prieto, ang 2012 Bb. Pilipinas 1st runner-up na si Ali Forbes, ang Walang Tulugan mainstay na si Rhen Escaño, si Racquel Pareño (anak ng veteran actress na si Gina Pareño), ang 15-year-old-son ni Alma Concepcion sa businessman na si Dodie Puno na si Cobie Puno, ang 12-year-old commercial model-child actress na si Maro Panganiban, at ang 8-year-old child actress na si Princess Flores (dating Zarah Mae Deligero).
Rhen Escaño may tsansang maging big star
Kung mabibigyan ng break, malaki ang potential ng 22-year-old na si Rhen Escaño na maging malaking star.
Matagal-tagal na rin namin itong napapansin sa Walang Tulugan kung saan hinahasa ang talent ni Rhen sa singing, hosting, at sayawan.
Although nabibigyan ng projects si Rhen ng GMA, madalas mga supporting roles lamang ang kanyang ginagampanan pero naniniwala ang dalaga na may kani-kanyang panahon ang pagsikat ng isang artista kaya naghihintay umano siya ng tamang panahon.