Banana Sundae makikisali sa Miss U fever

MANILA, Philippines – Sina John Lloyd Cruz (Romeo), Toni Gonzaga (Julie), at ang buong barangay ay natuto kung paano magpigil ng galit sa Home Sweetie Home habang ang Banana Sundae naman at may mga bigating guests na darating kasama na ang kanilang Miss Universe-themed opening mamaya.

Sa pinakabagong episode, si Romeo at ang Soo Agency ay humarap sa isang kaso ng pang-blackmail ng isang aplikante na si Luisa (Nina Dolino) na gustong maging caregiver sa ibang bansa. Nakunan kasi ni Luisa ang boss ng Soo Agency na si Paeng na nagwawala sa galit at gagamitin itong pang-blackmail para siya’y magkatrabaho.

Samantala, pangungunahan ni Angelica Panganiban sa entablado ng Banana Sundae ang kanyang pinakabagong Dear Angge segment. Bukod pa riyan, patuloy pa rin ang pagpapatawa ng ibang cast lalo na sa kanilang espes­yal na Miss Universe-themed na opening.

Show comments