Wala na sigurong mahihiling pa ang Kapamilya TV host-comedian and concert performer na si Vice Ganda dahil halos nasa kanya na ang lahat pero hindi nito ikinakaila na may mga panahon pa ring nalulungkot siya at na-realize na kulang ang kanyang panahon lalung-lalo na sa kanyang mahal na ina.
Gaano man ka-busy ngayon si Vice Ganda ay parati na siyang naglalaan ng panahon na magkaroon ng bonding moment with his mom na naisasama at naipapasyal na niya sa ibang bansa tulad nitong nakaraang long Christmas holidays na nadala niya sa Dubai.
Wala na ring dapat patunayan pa si Vice Ganda pagdating sa kanyang pagiging consistent box office star mapa-pelikula o concert man.
Dominado pa rin ni Vice Ganda ang telebisyon dahil bukod sa kanyang daily noontime show na It’s Showtime, patuloy pa rin ang kanyang late Sunday show naGandang Gabi Vice at tumatayo rin siyang isa sa apat na hurado sa bagong season ng Pilipinas Got Talent. Nanguna rin sa takilya ang kanyang pelikulang Beauty and the Bestie na pinagsamahan nila ni Coco Martin sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) na kumita ng mahigit P500-M. Naka-line-up na rin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Daniel Padilla and another major concert sa taong ito.
Mabuhay ang Teatrong Pilipino
Nakatanggap ang inyong lingkod ng e-mail mula sa theater-TV-movie actress na si Pinky Amador na gusto naming bigyan ng puwang sa aming column:
“Dearest Friends,
“Come and help us celebrate the 83rd birthday of the founder of Repertory Philippines, Ms. Zenaida Amador, my Tita Bebot, with the finale performance of Ken Ludwig’scomedy/thriller The Game’s Afoot on February 7, Sunday at 3:30 p.m. at Ontage at Greenbelt one.
“We will be having a tribute to her life’s work after the show, and in the lobby. I am sure she will be smiling from above to see us all raise a glass to her and also be entertained by the riotious performance and thrilling situations in The Game’s Afoot.
“You may call 0998-9655313 for tickets or log on to: www.ticketworld.com.ph.
“Theatre worldwide is facing great challenges, but in the Philippines, we are actually experience a resurgence. Come and be part of that, and help breathe life, and support live theatre and performance in the Philippines. #BringAFriendToTheatre.
“Mabuhay ang Teatrong Pilipino!”
May pa-privacy-privacy pang nalalaman Ciara at Kean ibinuko ang mga sarili sa social media
Mukhang sunud-sunud ang break-ups na mangyayari sa taong ito na sinimulan ng mag-asawang Ciara Sotto at Jojo Oconer at ang magkasintahang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.
Limang taon pa lamang ang pagsasama bilang mag-asawa nina Ciara at Jojo at mag-iisang taon pa lamang ang kanilang anak na si Crixus habang ang relasyon nina Bea at Zanjoe ay tumagal din ng mahigit apat na taon.
Noong isang taon pa dumaranas ng pagsubok ang relasyon nina Bea at Zanjoe na pinilit isalba ng dalawa pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan.
Wala namang mag-aakalang mauuwi sa kanilang paghihiwalay ang mag-asawang Ciara at Jojo.
Samantala, ang mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa-Sotto ang nagsabi na bigyan ng privacy ang paghihiwalay ng kanilang bunsong anak at mister nito. Paano mabibigyan ng privacy ang kanilang paghihiwalay, e si Ciara mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account tungkol dito at pagbalik niya sa poder ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang anak.
Walang makakaalam sa hiwalayan blues nina Ciara at Jojo kung hindi ito (Ciara) nag-post sa social media.
Ganun din ang stand ng singer-actor na si Kean Cipriano na ayaw mag-share ng tungkol sa kanilang agarang pagpapakasal ni Chynna Ortaleza at napapabalitang pagbubuntis nito ngayon.
Hindi rin malalaman ng publiko ang tungkol sa kanilang pagpapakasal kung hindi rin sila nag-post sa kanilang respective social media accounts na nagpakita ng kanilang mga daliri na may nakasuot na identical (wedding) rings.
Dahil na rin sa social media, wala na halos naitatago ang mga celebrities dahil sila na rin mismo ang nagsi-share ng kanilang mga activities at saloobin. Then they seek for privacy? Ano ‘yun?