Isa si Nadine Lustre sa gusto ng mga tagahanga na gumanap bilang Darna sa pelikula.
Isang malaking karangalan daw para sa aktres na isa siya sa mga nagustuhan ng tagahanga na gumanap bilang Pinay super hero. “Well, nakakatuwa. I’m just thankful for the fans na sabi nga nila, ako daw ang nai-imagine nila. Kasi nga ‘di ba Darna, she’s one of the most iconic na characters ng roles dito sa atin, so why not? But now, we have On the Wings of Love, we have the concert, we’ll see,” nakangiting pahayag ni Nadine.
Maging ang katambal na si James Reid ay pabor din kay Nadine na gumanap bilang Darna. “Should be Pinay. Of course, Nadine has the physique to be Darna and also she can demonstrate that female power which is important,” paliwanag ni James.
Samantala, mas kaabang-abang daw ngayon ang mga eksena sa seryeng On the Wings of Love lalo pa’t nalalapit na ang pagtatapos nito. “Abangan n’yo po, magkakaroon pa ng twist pero mas exciting. Well, Direk Tonette (Antonette Jadaone) said she wants a happy ending. For sure happy ending po ‘yung On the Wings of Love. So we’re really excited, may happy ending na rin si Clark at Leah,” pagbabahagi ni Nadine.
Coleen ayaw pang pakasal kay Billy
Ilang Linggo nang hindi napapanood si Coleen Garcia sa It’s Showtime kaya kumpirmadong wala na ang aktres sa nasabing noon time show.
Matatandaang nawala rin pansamantala ang dalaga sa programa noong isang taon nang gawin ng sabay ang pelikulang Ex with Benefits at teleseryeng Pasion de Amor. “Actually, I was barely ever there during the entire second half of 2015. I don’t think I’ll be returning. Management talked to me and they want me to focus on acting,” pagtatapat ni Coleen.
Ngayon ay isang bagong pelikula ang gagawin ng aktres sa Star Cinema kasama sina Piolo Pascual at Dawn Zulueta. “Iyong characters namin ay within the lifestyle today. I’m a socialite, while Piolo is a DJ. He’s really going to learn how to spin. Dawn Zulueta is a fashion designer so somehow our characters will cross paths,” pagbabahagi ni Coleen.
Samantala, masayang-masaya naman ang dalaga sa takbo ng relasyon nila ng kasintahang si Billy Crawford. Nakikita na raw ni Coleen na ang aktor na ang kanyang mapapangasawa. “I know I’m ending up with Billy pero siguro huwag muna magpakasal this year. We talk about it naman eh. I know it’s going to happen, just not yet,” giit ng aktres.