Binanggit ni director Joel Lamangan sa presscon ng Bakit Manipis ang Ulap? na sina directors Jun Lana at Perci Intalan ang kabilang sa creative team ng drama series na mapapanood na sa primetime slot ng TV5 simula February 15. Sabi ng dalawa, si Mr. Vic del Rosario ang kumausap sa kanila para maging part ng writers.
Nang makausap naman namin sina direk Jun at Perci, nabanggit nila na sila ang nag-suggest kay boss Vic na si Joel ang kuning magdirek ng Bakit Manipis ang Ulap? dahil malaki ang project at ito lang ang naiisip nilang may kakayahang idirehe ang drama series.
Ni-retain nila ang malulutong na dialogue ni director Danny Zialcita pati ang “glossy feel” ng original movie, kaya may helicopter, yate, mansions, at anything associated sa mga mayayamang tao. Bumilib ang dalawa kay boss Vic dahil walang reklamo sa production cost ng Bakit Manipis ang Ulap? kaya parang Viva Films ang dating nito.
Solenn wala nang kawala sa isyu ng kasalan
Mai-interview si Solenn Heussaff sa presscon ng Regal Entertainment movie na Love is Blind at sigurado kaming kahit sinabi na niya sa presscon ng #Lakbay2Love na ayaw niyang pag-usapan ang kasal o pagpapakasal nila ni Nico Bolzico, hindi pa rin siya makaliligtas.
Lalo’t may mga nag-react sa request ni Solenn na ‘wag gawing public ang personal life niya. Sinagot nito ang isang nag-comment na hindi siya ang nag-announce sa diumano’y pagpakasal niya.
Anyway, magkasunod ang showing ng dalawang pelikula ni Solenn, una ang #Lakbay2Love sa February 3 at Love Is Blind sa Feb. 10. Magkaiba ang tema ng dalawang pelikula na parehong positive ang feedback ng nakakapanood ng trailer.
First time rin yata na magkakaroon ng Green Carpet premiere night, open air pa at ang cast ay magba-bike papuntang venue. Mangyayari ito sa premiere night ng #Lakbay2Love. Ano’ng gimik naman kaya ang gagawin ng Regal sa premiere night nila?
Kasabay ding pinu-promote ni Solenn ang pre-Valentine concert nila ni Lovi Poe na Fantaisie na gagawin sa Music Museum sa Feb. 6.
Sa poster pa lang at pictorial photos ng dalawa, paseksihan na sila at hindi kami magugulat kung mas maraming lalaki ang manonood. May post pa naman si Solenn na “Take a peek into our bedroom and see what girls talk about.”
Laplapan nina Luis at LJ hindi puwede sa mga sinehan
Sa special screening ng Anino Sa Likod ng Buwan sa UP Diliman namin nakausap sina directors Jun Lana at Perci Intalan. Twice na namin napanood ang movie at ganu’n pa rin ang dating nito sa amin. Sa ganda ng pelikula at sa husay nina LJ Reyes, Anthony Falcon, at Luis Alandy matagal maalis sa isip ang pelikula.
Hindi papayag si direk Jun na putulin ang “too graphic” love scene nina Luis at LJ kapalit ng commercial run kaya sa kaunting sinehan lang ito mapapanood.
Ang plano nila ni diek Perci, iikot sa schools ang movie na nauna na nga sa UP Diliman. Patuloy ding umiikot sa different international film festival ang movie at nananalo ng awards.
We congratulated direk Jun sa box-office success ng Haunted Mansion at ipinahahanda na ni Mother Lily Monteverde ang follow up movie ni Janella Salvador for 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF). Horror din ito, pero hindi sequel ng Haunted Mansion.
Nabanggit din ni direk Jun na may movie project siya kay Paolo Ballesteros, hindi magawa dahil sa schedule nito. Co-producers naman ang APT Entertainment at Regal sa movie ng JoWaPao nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na March ang shooting. Hindi raw ang karakter nila sa Kalyeserye ng Eat... Bulaga ang role nila rito.
Nasa schedule rin ni direk Jun ang movie adaptation ng librong The Mango Bride ni Marivi Soliven at si Iza Calzado yata ang gusto niyang bida. Matagal na nitong gustong gawan ng full-length movie ang aktres.