Gov. Vi at Angel purihan nang purihan!
Proud ang Star for All Seasons at Batangas outgoing governor na si Vilma Santos sa kanyang latest movie under Star Cinema na Everything About Her hindi lamang dahil napakaganda ng pagkakagawa ng pelikula na idinirek ni Bb. Joyce Bernal kundi dahil katrabaho niya for the very first time ang nobya ng kanyang panganay na anak (Luis Manzano) na si Angel Locsin.
Kahit gustong-gusto na ni Gov. Vi na magkaroon ng apo, wala raw sa kanya ang desisyon kung kelan lalagay sa tamimik si Luis.
Kitang-kita rin kay Gov. Vi ang pagiging magiliw nito sa kanyang future daughter-in-law.
Kung panay ang papuri ni Angel sa kanyang magiging mother-in-law, ganoon din naman si Gov. Vi sa kanyang mamanugangin.
Bukod kay Angel, first time ring nakatrabaho sa pelikula ni Gov. Vi ang ka-loveteam ni Kim Chiu na si Xian Lim.
Luv U apat na taon ding tumagal sa ere!
Lahat ng simula ay may katapusan at ito’y nangyayari rin sa mga TV program.
Last Sunday ng hapon ay tuluyan na ring nagpaalam sa ere ang four-year-old once-a-week youth-oriented comedy show na Luv U na tinampukan na teens na nagmula sa long-running children gag show na Goin’ Bulilit na pinamamahalaan din ni Edgar “Bobot” Mortiz.
Masaya na malungkot ang bumubuo ng cast ng Luv U na apat na taon ding tinangkilik ng mga televiewer magmula nang ito’y umere noong February 19, 2012. Naging daan din ito para sa kanilang bonding bilang magkakaibigan.
Naging bahagi ng Luv U sina Miles Ocampo, Sharlene San Pedro, Kiray Celis, Marco Gumabao, Alexa Ilacad, Nash Aguas, Jairus Aquino, Mika dela Cruz, Rhap Salazar, Hyubs Azardon, Igi “Boy” Flores, Kobi Vidanes, Edu Nolan, Angeli Gonzales, Alfred Labatos, Tippy dos Santos, Paul Salas, Vanjo Cuenca, Michelle Vito, at iba pa. Nakasama rin sa nasabing programa sina Smokey Manaloto, Joy Viado, Bentong, Alora Sasam, Cai Cortez, at Dominic Ochoa.
Nawala man sa ere ang Luv U, may plano naman ang ABS-CBN na ikalat ang mga teen stars and talents sa iba’t ibang programa ng Kapamilya Network.
Kalyeserye ng EB may umay factor na raw
Dapat siguro gawan na ng paraan ng mga tao behind the success ng Kalyeserye ng Eat Bulaga ang istorya nito bago pa man tuluyang lumaylay ang segment ng long-running noontime show ng bansa.
Marami kaming feedback na naririnig na nakakaumay at nakakasawa na umano ang napapanood nila sa Kalyeserye kung saan magkakasama ang magka-loveteam na sina Alden Richard, Maine “Yaya Dub” Mendoza at ang tatlong lola na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo), at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) dahil pare-pareho na lang ang kanilang nakikita.
Hindi dapat magpabaya ang mga taga-Eat Bulaga dahil umaariba na naman ang ratings ng katapat nilang programa na It’s Showtime.
Samantala, gusto naming i-suggest na gawing titulo at theme song ang God Gave Me You ng magiging first solo movie together nina Alden at Maine. Napaka-significant kasi ng nasabing titulo at awitin sa tambalan ng dalawa.
Kung hindi sana gahol sa panahon, maganda itong Valentine offering.
- Latest