Pinay daw ang hitsura ng kailangan nila, Direk Erik ‘binaril’ sa Darna si Pia

Si Erik Matti ang magiging direktor ng pelikulang Darna na gagawin ng Star Cinema. Hanggang ngayon ay wala pa rin daw napipili kung sino na ang talagang gaganap sa nasabing Pinay heroine. Kinailangang magbitaw ni Angel Locsin sa nasabing proyekto dahil sa kanyang health condition.

Gusto raw ni direk Erik na magpa-audition para malaman kung sino ang bagay at nararapat gumanap bilang si Darna. “Gusto ko makita kung kakayanin ng artista. Kasi ang hirap na ngayon mag-double. Dati mga five years ago, pwede na mag-double sa eksena pero ngayon mahirap na with all the Hollywood films that come out where all the actors really prepare for the role,” paliwanag ni direk Erik.

“Ang burden nitong Darna na latest is over the past five years, na-bombard na tayo ng Marvel. Mahirap siya execution-wise na kung paano lang din ‘yung dati,” dagdag pa niya.

Pagkatapos mapanood ang teaser sa mga sinehan noong Metro Manila Film Festival (MMFF) ay nagkaroon ng mga espekulasyon kung sino ang bagay na gumanap sa role. May mga nagsasabing sina Liza Soberano, Nadine Lustre, o Jessy Mendiola ang nararapat na pumalit kay Angel para sa nasabing role. “Si Liza, yes pwede. She has the strength physically, ‘yung hitsura at katawan. And then tama ‘yung edad and you can do a lot of things sa mukha niya. Pwede siya mag-iba-iba ng hitsura and she could still look really good. At the same time, Pinay siya na maganda, pang-Asian. Mahirap ‘yung mestizo eh,” paglalarawan ng direktor kay Liza.

“Okay din naman si Nadine. Hindi ko pa siya nakikita sa personal. Hindi ko pa nakikita kung gaano siya katangkad ngayon. Kasi I’ve done two commercials with her a year ago. Hindi ko lang alam kung ang height niya ay tama,” nakangiting pahayag ni direk Erik.

“Si Jessy has the built. Maputi lang siya masyado. Personal ko itong comment ha, hindi ito comment ng ABS-CBN. Maputi lang masyado si Jessy. Pinay dapat,” giit ng direktor.

May mga nagsasabing bagay din sa Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach maging Darna. “Si Pia, bagay na bagay si Pia pero in the history of Darna, hindi talaga umuubra ‘yung beauty queen. Kasi kailangan mo talaga ng regular Pinay woman. Ordinary lang na character. Hindi siya kailangan vavavoom, hindi kailangan na stunning,” pagtatapos ni direk Erik.

Marco nag-enjoy sa Japan kasama ng KathNiel

Noong Kapaskuhan ay nakapagbakasyon sa Japan si Marco Gumabao. Masayang-masaya ang aktor dahil nakasama niya ang ilang malalapit na kaibigan. “Lahat kami sobrang saya, talagang clean fun. Parang lahat kami, bonding lang talaga kaming magkakabarkada. Sobrang saya na once in a lifetime experience, na sana next year maulit namin. ‘Yung barkada ni DJ (Daniel Padilla), Diego (Loyzaga) sumama, tapos si DJ and Kath (Bernardo). Pumunta rin family ni Kath plus family ni DJ,” kwento ni Marco.

Sobrang tatag daw ng pagkakaibigan ng kanilang barkada dahil sa katangian ng bawat isa. “Importante na wala kang sinasabi about your friend behind his back. Kasi kahit sa tingin mo trusted mo ‘yung taong sinabihan mo, it can still get out and kapag nalaman ng kaibigan mo ‘yun, sobrang laking away ang mangyayari. Kung may problema kami sa isa’t isa, sasabihin namin agad. Wala kaming paliguy-ligoy. Walang pagtatago kasi barkada kami so parang family na rin ‘yun,” pagbabahagi ng aktor.

Show comments