^

PSN Showbiz

Rarampa sa Lunes sa Metro Manila, Pia ilang tulog na lang nasa ‘Pinas na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sigurado ako na hindi na makatulog si Pia Wurtzbach at halos hilahin na niya ang mga araw dahil excited na siya na magbalik-bayan.

Uuwi sa Pilipinas si Pia sa darating na Sabado, January 23 at kung excited siya, mas sabik ang mga kababayan natin na makita nang personal ang third Filipina na nag-win ng Miss Universe crown.

Rarampa si Pia sa Metro Manila sa January 25 para sa kanyang ticker tape parade. Araw ng Lunes ang parada ni Pia sa Metro Manila at wish ko lang, maging maayos ang daloy ng trapiko na imposible na mangyari dahil bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga residente ng Metro Manila ang nakakaiyak na traffic jam.

Mga gown mabentang-mabenta collab nina Heart at Mark Bumgarner world class ang description

Congrats kay Heart Evangelista at sa fashion designer na si Mark Bumgarner dahil tagumpay ang fashion show nila sa Dusit Thani Manila noong Lunes.

Siyempre, full support si Papa Chiz sa kanyang talented at artistic na misis.

Maligayang-maligaya si Heart at panay ang pasasalamat nito sa lahat ng mga dumalo sa sosyal na fashion show nila ni Mark.

World class ang description ng mga nanood sa Bumgarner-Love Marie fashion show dahil ginastusan ang set at talagang one-of-a kind ang creations ni Bumgarner na matalik na kaibigan ni Heart.

Baka maulit pa ang collaboration nina Mark at Heart dahil sa mainit na pagtanggap ng audience sa kanilang show.

Si Mark ang gumawa ng mga damit na inirampa ng mga international model. Si Heart naman ang manu-mano na nagpinta ng iba’t-ibang klase ng design sa mga tela na ginawang damit ni Mark.

Marami ang bumili ng mga damit at ang mga charitable foundation na sinusuportahan nina Mark at Heart ang makikinabang sa proceeds.

Mga sinehan naunahan na ng mga pirata award-winning na pelikula ni Leonardo DiCaprio nabibili na sa mga bangketa!

Hindi pa naipalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang The Revenant pero marami na ang nakapanood sa pelikula ni Leonardo DiCaprio na nanalo sa Golden Globe Awards ng best picture award at malalaman natin ang dahilan kung titingin tayo sa mga bangketa.

Nag-win din si DiCaprio ng best actor trophy sa Golden Globe at maingay ang balita na mananalo na rin siya ng Oscar Awards sa susunod na buwan, makalipas ang maraming taon na paghihintay.

Sinasabi ng mga nakakausap ko na maganda ang The Revenant kaya intrigang-intriga na ako sa pinag-uusapan na pelikula ni DiCaprio.

Derek hindi raw talaga ipapareha kay Claudine

Sandali na lang ang ipaghihintay ng fans ni Claudine Barretto dahil sa February 15 na ang airing ng Bakit Manipis Ang Ulap? ng TV5 at Viva Communications, Inc.

Ang coming soon na teleserye ang sagot ng Ka­patid Network at ng TV5 sa mga nagtatanong tungkol sa grand comeback ni Claudine sa telebisyon.

Nilinaw nga pala ni Claudine sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap? na hindi talaga kasama sa cast si Derek Ramsay dahil magkakaroon ito ng sariling reality show sa TV5.

Pacquiao iniyayabang na handang-handa na sa laban nila ni Bradley

Tahimik na bumiyahe si Congressman Manny Pacquiao sa Amerika para sa grand announcement ng laban nila ni Timothy Bradley sa April 9.

Dumating kahapon (Monday night sa U.S.) sa Los Angeles si Papa Manny at sinalubong siya sa airport ng foreign media.

Ipinagmalaki ni Papa Manny na magaling na magaling na ang kanyang shoulder injury kaya handang-handa na siya sa pangatlong beses na boxing match nila ni Bradley.

Kandidato na senador si Papa Manny. Hindi na puwedeng ma-delay ang paghaharap nila ni Bradley sa April dahil sa May ang eleksyon sa Pilipinas at kailangan niya na bumalik agad para mangampanya. Senatorial bet si Papa Manny ng political party ni Vice-President Jojo Binay.

ANG

BAKIT MANIPIS ANG ULAP

BRADLEY

BUMGARNER-LOVE MARIE

CLAUDINE

MARK BUMGARNER

METRO MANILA

MGA

PAPA MANNY

PILIPINAS

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with