MANILA, Philippines – May pera sa basura. Ito ang papatunayan ni Karen Davila ngayon sa My Puhunan, kung saan itatampok niya ang isang matagumpay na novelty shop na nagbebenta ng mga iba’t ibang abubot na gawa sa mga itinuturing nang basura.
Kilalanin ang pamilya sa likod ng tindahang Papemelroti, na gumagamit ng mga retasong tela, lumang dyaryo at papel, at kung anu-ano pang materyal na ginagawang accessories, gamit pambahay, school supplies, at panregalo.
Si Patsy Alejandro Paterno ang isa sa limang magkakapatid na may-ari ng Papemelroti. Natuto sila sa yumaong ina na palaging sinasabi noon na gamitin ang kanilang imahinasyon at kamay para kumita ng pera.
Sa magandang halimbawa ng ina, natutunan ng limang magkakapatid na magnegosyo na may konsensiya – konsensiya sa kapwa, kapaligiran at tiyaking walang nasasayang. Ipinangalan rin sa kanilang magkakapatid (Patsy, Peggy, Meldy, Robert at Tina) ang negosyong PAPEMELROTI.
Abangan ang kwento ng Papemelroti sa My Puhunan, mamaya, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang oras sa DZMM TelaRadyo (SkyCable channel 26), 9:30PM.