May dahilan para matakot si Enrique Gil na very open sa kanyang ‘di pagsang-ayon na maging Darna ang ka-loveteam niyang si Liza Soberano. Ayaw niyang makita na nakasuot ito ng Darna costume.
Pero nakaringgan daw si Liza ng kanyang willingness to portray the role kapag in-offer ito sa kanya.
In fairness, wala namang artista ang tatanggi na maging Darna dahil ang lumilipad na bayaning babae ay bahagi na ng kasaysayan ng ating pelikula.
Nora mapangatawanan sana ang pagiging ‘Master Showman’
Maganda nga kung mapapangatawanan ni Nora Aunor ang pagpalit kay Kuya Germs. Nagtaping na siya para sa Walang Tulugan with the Master Showman na balitang madugo dahil inuumaga ang taping.
At least, mabubuhay pa ang alaala ng Master Showman sa ginagawa ng kanyang kaibigang Superstar. Mabuhay ka, Nora!
Pero may pressure sa serye ng BiGuel Alden pinagkakakitaan din ang pagkanta
Hindi man kasama si Alden Richards sa cast ng teleseryeng papalit sa The Half Sisters sa GMA, ang Wish I May na magtatampok sa tambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, hindi maaring hindi maramdaman ang presence ng Pambansang Bae dahil siya ang napisil para kumanta ng theme song ng bagong teleserye. Bukod sa pagiging bahagi ng AlDub na siyang nagbibigay ningning sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, ang pagkanta ang isa sa pangunahing pinagkakakitaan ng Kapuso actor.
Hindi naman siya nagkamali na balingan ang singing. Mabilis bumenta at naging platinum ang kanyang debut album. Ito rin ang nagbukas ng maraming pinto para mabatid ng lahat na bukod sa pag-aartista ay isa rin siyang singer.
Sa pangunguna ng BiGuel loveteam, inaasahan na magtutulungan sila ni AlSen para maabot ng Wish I May ang tagumpay ng pinapalitan nilang The Half Sisters.
Mga death threat kay direk Cathy masyadong mababaw ang dahilan!
Napakalaki namang kabayaran mula kay direk Cathy Garcia Molina ang hinihingi sa kanya ng netizens dahil sa ginawa niyang pagmumura sa dalawa niyang naging artista sa pelikula. But this is all water under the bridge now. Nag-sorry na siya at kung may magagawa pa siya para maibsan ang sakit na naramdaman ng mga nasaktan niya o mabawasan man lamang ang kanyang kasalanan ay gagawin ng direktor.
So bakit kailangan pa niyang tumanggap ng mga death threat at matakot hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi maging para sa mga mahal niya sa buhay?
Akting ni Maricar sa TV pang-award!
Bihirang mapanood si Maricar Reyes simula nang mag-asawa ito. Pero bawa’t paglabas niya ay sinisiguro niyang maganda at hindi makakalimutan ang kanyang performance. Tulad ng naging pagganap niya sa Maalaala Mo Kaya nu’ng Sabado bilang isang OFW na nabuwag ang pamilya dahil sa kagustuhan niyang mabigyan ng mabuting buhay ang mga ito.
Iniwan siya ng kanyang asawa, pero hindi ito naging dahilan para makalimutan niya ang kanyang pangarap.
Ang galing ng performance ni Maricar. Marami ang nagsasabi na magiging malakas siyang contender sa best actress para sa TV sa mga susunod na awards derby.