AlDub Concert at Valentine movie malabo pa

Malapit na namang magtapos ang buwan ng Ene­ro 2016 pero naghihintay pa rin ang AlDub Nation sa future major projects na pagsasama­han ng 2015 phenomenal stars na sina Alden Richards at Maine “YayaDub” Mendoza matapos ang kanilang matagumpay ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na My Bebe Love na pinangunahan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas at idinirek ni Jose Javier Reyes.

Hindi man nagtagumpay ang actor-turned concert producer na si Joed Serrano na makuha ang serbisyo pareho nina Alden at Maine for a Valentine concert, umaasa ang fans ng AlDub na magkakaroon ng major happening sa dalawa sa buwan ng mga puso.

Hindipa rin klaro ang kanilang gagawing pelikula na silang dalawa mismo ang mga pangunahing bida.

Walang Tulugan... masaya pa rin kahit wala na si Kuya Germs

Nakapag-taping last Friday evening ng dalawang episode ng Walang Tulugan with the Master Show­man na dinaluhan ng superstar na si Nora Aunor at maraming miyembro ng That’s Entertainment at kasalukuyang members ng Walang Tulugan…

Except for some emotio­nal scenes, naging masaya ang reunion sa Walang Tulugan ng mga miyembro ng That’s Entertainment na pi­na­­ngu­nahan nina Vina Mora­les, Keempee de Leon, Sheryl Cruz, ang mag-asa­wang Romnick Sarmenta, at Harlene Bau­tista, Don Umali, Jojo Abel­lana, Jennifer Mendoza, Jennifer Sevilla, Marilyn Villama­yor, Maricel Mora­les, Ricky Rivero, Smokey Manalo, JB Sampedro, at napakarami pang iba na ang iba sa kanila ay hindi ko na matandaan ang mga panga­lan. Karami­han sa kanila ay na-maintain ang  pero mas marami sa ka­nila ay nagsitabaan na at iba na rin ang mga hitsura.

Noong nabubuhay pa ang Master Showman na si Kuya Germs, isi­ni-celebrate niya ang anniversary ng That’s Entertainment sa kanyang long-running late night Saturday show na Walang Tulugan tuwing buwan ng Pebrero. But this time ay napaaga ang reunion ng grupo dahil sa hindi inaasahang pagyao ni Kuya Germs.

Ang That’s Entertainment ay tumagal sa ere ng sampung ta­on (1986 to 1996) at nag­ka­pag­­hatid ng naparaming stars nga­yon. Na­riyan sina Lea Salonga, the late Master Rapper na si Francis Magalona, Piolo Pascual, Billy Crawford, Vina Morales, Ruffa Gutierrez, Sheryl Cruz, Manilyn Reynes at napakarami pang iba.

Ang mga talent ng That’s Entertainment ay labas pa sa mga na­ging anak anakan ni Kuya Germs sa kanyang mga programa noon tulad ng Germcide, Germspecial, GMA Supershow hang­gang sa kanyang Walang Tulugan na sina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Dawn Zulueta, Jam Morales, Lani Mercado, Gret­chen Barretto, Maricel Laxa, Jackie Lou Blanco, Mariz at iba pa.

Sa pamamagitan ng That’s En­ter­­­­­­­tain­­ment, si Kuya Germs lamang ang nakapagbigay ng “on the air work­­­shop” sa lahat ng mga naging ta­lents ng programa na lahat ay nagtiyaga sa baryang honora­rium na ibinigay sa kanila ng Master Showman.

Hindi mapapantayan ng pera ang pag-aalaga at live trai­ning na ibinigay ni Kuya Germs sa kanyang mga naging alaga sa That’s Entertainment nung ito’y nabubuhay pa.

Kaya ganoon na lamang ang labis na pagkalungkot ni Kuya Germs nang mawalasa ere ang programa. “Ini­ya­­­kan ni Papa (Germs) ang pagkawalang That’s Entertainment,” pahayag ng kaisa-isa nitong anak na si Federico Moreno.

Samantala, walang bahid ng kalungkutan ang nangyaring unang taping ng Walang Tulugan na wala ang pillar nitong si Kuya Germs dahil ito ang gusto niyang mangyari. Na maging masaya ang lahat kahit wala na siya.

Show comments