^

PSN Showbiz

Pero mga taong binuraot binaon na rin sa limot aktres na sikat na ngayon, ‘di naliligo at halos walang malamon noon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Napadpad ang aming source sa isang mataong lugar kung saan lumaki at nag-aral ang isang sikat nang female personality ngayon. Inginuso pa sa kanya ng mga tagaroon kung saan nakatayo ang dating bahay ng pamilya ng aktres.

Maraming-maraming kuwento tungkol sa pamilya, lalo na tungkol sa sinuwerteng aktres, mas marami nga lang hindi kagandahan dahil sa pagkalimot na ng babaeng perso­nalidad kung saan siya nagmula.

May malaking tindahan na hindi kalayuan sa kanilang bahay, du’n sila bumibili kapag may pera at nangu­ngutang kapag kapos na kapos, sa mahabang kalye ring ‘yun madalas na nakikipaglaro ang aktres sa kanyang mga kapwa bata.

Nilalakad lang din ng aktres ang pinasukan niyang eskuwelahan, pala­gi siyang walang baon dahil sa ka­kapusan sa buhay, mga kaklase niya ang naglilibre sa kanya tuwing recess.

Sabi pa ng aming impormante, “Pumapasok siya nu’n na parang hindi naliligo. Gulu-gulo ang mahaba niyang buhok, halatadong walang nag-aasikaso sa kanya.”

Biglang umikot ang gulong ng buhay. Sumikat ang aktres. Kasabay ng kanyang pagsikat ang pagkakaroon ng mga biyayang hindi rin niya inaasahan. Mayaman na ngayon ang aktres.

“Mula nu’ng mag-artista na siya hanggang sa sumikat, kahit minsan, e, hindi man lang siya sumilip dito. Siya nga ang palaging kuwentuhan dito ng mga tambay, kasi, may time nu’n na kapag may mga nakatambay, pinapipili siya ng kahit anong makakain sa tindahan.

“Sila ang nagbabayad, madalas mangyari ‘yun, kaya parang nagtatampo sila na kahit sandaling panahon man lang, e, hindi sila madalaw ng batang inalagaan nila nu’n,” hinampo ng isang dating ka-barangay ng sikat nang aktres ngayon.

Sundot pa ng aming source, “Minsan talaga, madaya ang hitsura ng tao. Lalo na ang panga­lan. Minsan, hindi bumabagay ang name sa ugali ng tao.”

Ubos!

Kaawa-awa… Valeen sinintensyahan na agad

Damay ang pangalan ni Valeen Montenegro sa paghihiwalay nina Ciara Sotto at Jojo Oconer. Pero hanggang haka-haka at kuwentuhang pabulong pa lang naman ‘yun, wala pang kumpirmado, maniniwala lang kaming may kinalaman nga sa hiwalayan ang seksing dalaga kapag si Ciara na mismo ang nagsabi nu’n.

Puro patagilid pa lang kasi ang pinakakawalang post ni Ciara, kinumpirma nito ang kanilang paghihiwalay at pag-uwi nito sa bahay ng kanyang mga magulang, pero wala itong ibinibigay na mga dahilan.

Sa kanya na lang daw muna ‘yun, sana raw ay irespeto muna ng publiko ang kanyang kapribaduhan, sabi pa ng singer-actress.

Pero habang nananahimik si Ciara ay patuloy namang hinuhusgahan at tinitilad-tilad ang panga­lan ni Valeen Montenegro bilang isang homewrecker. Binubulabog na ngayon ng mga bashers ang dalaga, kung anu-anong pangalan na ang ikinakabit sa kanya, maninira raw siya ng pamilya ng may pamilya.

Kailangang diretsong sabihin ni Ciara na si Valeen nga ang third party sa relasyon nila ni Jojo Oconer, hanggang hindi nito pinapangalanan ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, nakakaawa naman ang taong nakakaladkad ang pangalan sa isang walang katotohanang kuwento.

Pati tuloy ang pagkakaroon ng mga proyekto ni Valeen sa TAPE, Inc. kung saan ehekutibo ang mister ni Ciara ay nakukuwestiyon na ngayon. Talento ni Valeen ang pagho-host at pag-arte ang naging puhunan niya pero ang lumalabas, ang pakikipagrelasyon niya sa asawa ni Ciara ang dahilan nu’n, na hindi naman parehas para kay Valeen.

Huwag naman sanang nakawin sa dalaga ang kapasidad niya sa pag-arte at pagho-host na matagal na panahon niyang pinaghirapan.

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

ANG

CIARA

CIARA SOTTO

HINDI

JOJO OCONER

LANG

MGA

VALEEN

VALEEN MONTENEGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with