Ano ba ang nangyayari sa mga aktor na may mga bagong video scandal? Hindi na sila natuto sa karanasan ng ibang mga showbiz personality na kinunan ng video ang kanilang mga pakikipagtsugihan at hindi naging maingat kaya pinagpiyestahan ang personal activities nila.
Mahirap i-deny ang mga isyu dahil kamukhang-kamukha at kaboses ng mga starring sa video scandal ang mga aktor na sina Joross Gamboa at Jeric Gonzales.
Kesa mag-deny, mas makabubuti na manahimik na lamang ang mga involved sa video scandal para hindi na lumaki pa ang kontrobersya. No talk, no mistake.
Siguradong kilala nina Joross at Jeric ang mga nagkalat ng video scandal.
Kung sino ang mga kausap nila sa video, baka may kinalaman sa paglitaw at paglaganap ng sex scandal.
Imposible naman na ilagay nina Jeric at Joross sa kahihiyan ang mga sarili.
Pwede rin na hindi nabura ng dalawang aktor ang mga ebidensya at may nakakopya o nakapag-forward nito sa ibang mga tao.
Aral sa lahat ang experience nina Joross, Jeric at ng ibang mga artista na nabiktima ng mga video at sex scandal dahil na rin sa kapabayaan nila.
Natalbugan pa ni Maine Alden nakalimot na agad sa mga taong nakatulong sa kanya
Hawak na ni Maine Mendoza ang kanyang best supporting actress trophy na napanalunan sa Metro Manila Film Festival Awards para sa role niya sa My Bebe Love.
Si Papa Ricky Lo ang personal na nag-abot kay Maine ng trophy nang bumisita ang dalaga sa Philippine Star office noong Biyernes.
Hindi na malilimutan ni Maine ang My Bebe Love dahil ito ang first movie niya na nagbigay sa kanya ng unang acting award.
Na-appreciate ko nga pala ang thoughtfulness ni Maine Mendoza noong nakaraang Pasko.
Hindi kami close pero naalaala niya na padalhan ako ng Christmas gift, sa kabila ng kanyang busy schedule.
Natalbugan ni Maine si Alden Richards na sa sobrang busy, tila nakaligtaan ang entertainment press na supportive sa kanya bago pa man sumikat ng AlDub at ang kalyeserye ng Eat Bulaga.
Boss Vic tinotoo ang pangako
Totoo ang promise ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment na linggu-linggo ang pagpapatawag nila ng presscon para sa mga bagong programa ng TV5.
Ang Viva Entertainment at TV5 ang nagpatawag ng first presscon for 2016, ang Born To Be A Star, ang talent search show para sa mga aspiring singer.
The following week, ang Tasya Fantasya naman ang nagkaroon ng presscon. Ipinakilala si Shy Carlos bilang Tasya at love interest niya si Mark Neumann.
Mapapanood sa TV5 sa February 6 ang Born To Be A Star at Tasya Fantasya.
Hindi natapos sa Tasya Fantasya ang launching ng mga bagong show ng TV5 at Viva Entertainment dahil kasado na ang grand press launch ng Bakit Manipis Ang Ulap, ang drama series na tinatampukan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Meg Imperial at Cesar Montano.