Kung si Coco Martin ang masusunod, pagdidirek naman ang gusto niyang subukan. Kahit sarili niya mapa-indie man o mainstream ay gugustuhin niyang idirek. May konsepto na si Coco ng pelikulang ididirek niya - drama at tungkol sa isang magkapatid. Tiwala siya na makakaya niyang idirek ang pelikula kahit kasama pa siya sa cast.
Samantala, muli na namang pinuri si Coco sa kanyang pagganap sa Ang Probinsyano bilang si Paloma. Ideya na naman niya ang episode kung saan ay kinidnap ang hipag niyang si Carmen (Bela Padilla) para gawing prostitute ng isang sindikato. Inilapit niya ang ideya sa Dreamscape na tinanggap naman nito at ginawang episode. Para makapasok sa lungga ng mga mangingidnap, kinailangang magpanggap na babae ni Coco. Ito ang episode na kasalukuyang umeere ngayon.
“Ngayon ko na-realize ang pagpapakahirap ng pinagdaraanan ng isang babae kaya kapag makikipag-date ako ngayon hindi ko na mamadaliin ang date namin. Kailangan namang masulit ang paghahanda na ginawa ng mga kababaihan tulad ng pagsusuot ng sapatos na may mataas na takong, paglalagay ng make-up, lalo na ng pilikmata at pati na pag-aayos ng buhok. Ang hirap pala! Mas marami nga ang nag-text sa akin na pinuri ang kagandahan ko bilang Paloma kaysa bilang guwapong lalaki,” pag-amin ng bida ng Ang Probinsyano na maraming eksena sa serye ang pwede niyang tanggihan dahil lubhang mapanganib gawin, pero ginawa pa rin niya para mapasaya ang manonood ng serye na limang buwan nang umeere. Baka abutin pa hanggang birthday ni Fernando Poe, Jr. (FPJ) sa Agosto 20 bago matapos ang serye.
Dobleng saya rin ni Coco dahil tinangkilik ang role niya bilang komedyante sa Beauty and the Bestie. May nagsabi pa nga na pwede siyang Best Actor dahil effective ang pagpapatawang ginawa niya.
In gratefulness, nag-iikot siya ng bansa para tumulong sa mga nangangailangan. Nasa Tondo, Maynila siya kamakailan para mamahagi ng tulong sa isang lugar dun na nasunugan.
Anytime na makita ni Coco ang babaeng pakakasalan niya ay mag-aasawa na siya. Naihanda na niya ang kanyang pamilya at maging ang sarili niya para rito.
Shy susunod na rin ang kapalaran kay Nadine
Maswerte si Shy Carlos dahil minana niya ang role na unang ginampanan ni Kris Aquino sa pelikulang Tasya Fantasya. Gagawing serye ng TV5 ang nobelang isinulat ni Carlo J. Caparas na magsisimulang mapanood sa Feb. 6 sa direksyon ni Ricky Rivero.
Tungkol ito sa isang napaka-simple pero mabait na yaya na mahilig sa fairytale. Isang mahiwagang puno ang maghahatid sa kanya sa napakarami at makulay na pakikipagsapalaran.
Isa si Shy Carlos sa dalawang miyembro ng Pop Girls na matagal nang inihahanda ng Viva for stardom. Nauna na si Nadine Lustre na bahagi na ng isang sikat na loveteam, ang JaDine nila ni James Reid. Ang Tasya Fantasya naman ay isa sa dalawang nobela ni Caparas na isasalin sa telebisyon.
Ang isa pa ay ang Panday na pangungunahan naman ni Richard Gutierrez.
Si Mark Neumann ang magiging ka-loveteam ni Shy Carlos na mapapanood lamang tuwing Sabado, 8 n.g.
Beterano ng mahigit 20 komersyal at napanood sa Hopeless Romantic at Lumayo Ka Nga Sa Akin, bukod sa pagbi-VJ sa MTV channel ng Music Pinoy, naka-ikatlong taon na si Shy Carlos sa kanyang pag-aaral ng Consular and Diplomatic Affairs sa College of St. Benilde.
Metropolitan Theater mas maganda kung ipapangalankay Kuya Germs
Sana nga mapangatawanan ng anak niyang si Federico Moreno at Nora Aunor ang pagpapatuloy ng legacy ng Master Showman na si German Moreno sa pagtulong sa mga baguhang nangangailangan ng tulong. Maganda rin ‘yung mungkahi ni Manila Mayor Joseph Estrada na buhaying muli ang Metropolitan Theater para maging sentro ng sarsuwela at bodabil bilang pagbuhay sa alaala ng namatay.
Mas makapagbibigay ligaya sa lahat kung sa halip na The Met ay bigyan ito ng bagong pangalang German Moreno Metropolitan Theater dahil nu’ng nabubuhay pa si Kuya Germs ay ninais nitong buhaying muli ang teatro para dun na gawin ang mga mahahalagang events sa local showbiz, tulad ng awards and premiere nights.
Aljur type makita si Sarah sa sexy costume?!
Akalain mo, kami lang ang unang nagpalutang na pwdeng maging Darna si Sarah Geronimo. Unang nabanggit ni Aljur Abrenica sa amin ang pangalan niya na bagay sa role at lumilipad na heroine. At ngayon maging ang Pop Princess ay binibigyan na ng konsiderasyon sa role?
Hindi masama dahil talagang bukod sa maganda, bagay kay Sarah ang costume ni Darna. Ibang kaseksihan ang ibibigay niya sa role. Bigyan mo pa siya ng isang babagay sa kanyang Ding at for sure she’ll be an unforgettable Darna.
Mar kawawa sa mga botanteng senior citizens dahil sa ginawa ni P-Noy
Buti na lang at hindi kandidato si P-Noy dahil kung hindi, baka walang senior citizen ang bumoto sa kanya dahil sa pagtanggi niyang pirmahan ang House Bill 5842 na nagtatakda sanang dagdagan ng P2,000 ang pensyon sa SSS ng mga pensyonado.
Ang manok niyang si Mar Roxas ang magdadala ng galit ng mga pinagkaitan niya ng karagdagang halaga. Tsk. Tsk. Tsk.