Young actor nakaaral at bumuti ang buhay sa baklang naawa sa kuwento ng buhay!

Habampanahong tatanaw ng utang na loob sa kanyang gay benefactor ang isang young actor. Nagkahiwalay man sila dahil sa bagong pag-ibig ng gay businessman ay walang nagbabago sa pagrespeto sa kanya ng young actor.

Produkto ng isang talent search ang male personality. Maganda ang kuwento ng kanyang buhay, maaga siyang nawalay sa kanyang ina, lumaki ang young actor sa kalinga ng kanyang lolo at lola.

Kuwento ng aming source, “Nagkakilala sila ng gay businessman sa isang party. Nagkakakuwentuhan sila. Naantig ang damdamin ng becking negosyante sa kuwento ng buhay ng young actor.

“Ang gustong mangyari ni ____(pa­ngalan ng guwapong young actor), e, ang makapagtapos siya ng pag-aaral kahit nag-aartista siya. ‘Yun ang matagal na niyang gustong gawin, pero may kaliitan pa lang kasi ang kinikita niya.

“Mag-aaral siya, problema ang pangmatrikula at iba pang gastusin sa college. Sinagot ng gay businessman ang lahat-lahat, wala na siyang aalalahanin. Pati ang titirhan niya, sinagot na rin ng becki, kaya tuwang-tuwa ang young actor,” kuwento ng aming source.

Madisiplina ang young actor, wala siyang bisyo, ang iniikutan lang ng kanyang mundo ay taping, eskuwelahan, bahay.

Hanggang sa kupkupin na ng gay businessman ang young actor, naging magkarelasoyn sila, nakapagtapos ng kolehiyo ang young actor.

“Sayang lang, dahil nagkahiwalay sila. Dakila ang bagets, siya na mismo ang umalis sa poder ng gay benefactor niya dahil ramdam niya na meron na siyang kapalit.

“Young actor din ang nakasabay niya sa gay benefactor, mas popular kesa sa kanya, du’n na nakatutok ang time ng becki, kaya nagpaalam na siya. Tinatanaw niyang malaking utang na loob ang pagtatapos niya sa gay businessman, hinding-hindi niya makakalimutan ang kabutihan sa kanya ng becki,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Richard pinakaguwapong Panday

Dumalaw sa aming radio program ang pinakabagong Panday na si Richard Gutierrez nu’ng Huwebes nang hapon bago siya nag-pictorial para sa bagong serye niya sa TV5 sa pakikipagtulungan sa Viva Entertainment.

Pinakaguwapong Panday ang nagkakaisang komento ng aming mga tagapanood-tagapakinig, mas gumuwapo kasi ngayon ang aktor, bumagay ‘yun sa kartada ng kanyang katawan ngayon na parang pumayat pero matipuno naman.

Masayang-masaya si Richard Gutierrez sa ipinagkatiwalang serye sa kanya ng TV5 at ng Viva. Matinding pressure, sabi niya, dahil nag-ugat ang pagganap sa papel ng Panday sa yumaong Hari Ng Pelikulang Pilipino na si FPJ at sinundan pa ng Titanic Action Star na si Sendaor Bong Revilla.

At matinding hamon din sa kanya bilang si Flavio ang pagganap bilang ang kontrabidang si Lizardo ng premyadong aktor na si Christopher de Leon.

Aminado si Richard na hindi kumpleto ang kanyang buhay nang pansamantala siyang hindi humarap sa mga camera para sa pag-aasikaso sa kanyang personal na buhay.

Pero lahat ng pagkasabik niya sa mundong mahal niya ay nawala dahil isang markadong proyekto naman ang ipinagkatiwala sa kanya ng TV5 at Viva Entertainment.

Klasiko na ang Panday, ang nobelang sinulat ni Direk Carlo J. Caparas, napakalaking oportunidad para kay Richard Gutierrez ang mapili bilang pinakahuling Panday na pinapangarap ng halos lahat ng mga artistang lalaki para kanilang gampanan.

Show comments