Nag-trending sa social media si Shy Carlos noong Huwebes. Si Shy ang gumaganap na Tasya Fantasya sa television adaptation ng 90’s movie ni Kris Aquino pero hindi inaasahan na magte-trending siya.
Mali ang pagkakaintindi ng iba na yaya ang role ni Shy sa Tasya Fantasya. Hindi mala-Yaya Dub ang karakter niya sa coming soon television show ng TV5 at Viva Entertainment.
Maid of honor o kasambahay na hindi kagandahan pero busilak ang puso ang role ni Shy kaya mali na i-compare siya kay Maine Mendoza na matagal nang nag-evolve ang Yaya Dub character sa kalyeserye ng Eat Bulaga.
Mark Neumann, Kapatid pa rin
Contract star pa rin ng TV5 si Mark Neumann, ang leading man ni Shy Carlos sa Tasya Fantasya.
May tsismis na nag-ober da bakod si Mark sa Viva at hindi ito totoo. Movie contract lang ang pinirmahan ni Mark sa Viva dahil talent pa rin siya ng artist center ng Kapatid Network na nagbigay sa kanya ng big break sa showbiz.
Hiro Peralta feeling may naabot na kung makapang-dedma
May kuwento ang isang eyewitness tungkol sa young actor na si Hiro Peralta at ang insidente na nasaksihan niya sa burol ni German Moreno sa Our Lady of Mount Carmel Shrine.
Ang sey ng source ko, kitang-kita niya ang paglapit ni Hiro sa secretary ni Kuya Germs pero dinedma ng bagets ang mga katabi na sina Mario Dumaual, MJ Marfori ng TV5, at si Papa Ricky Lo.
Halos matapakan daw ni Hiro ang tatlo pero wala itong nakita as in dedma siya. Hindi man lamang niya tinapunan ng tingin sina Papa Mario, Papa Ricky, at MJ.
Kung hindi man kilala ni Hiro sina Papa Mario at MJ, imposible na hindi niya namukhaan si Papa Ricky eh magkakasama kami sa GMA 7 at umaapir pa siya noon sa Startalk sa tuwing may mga television show na ipino-promote.
Hindi puwedeng ikatwiran ni Hiro na nahihiya siya dahil mas nakakahiya na mangdedma ng mga tao na halos matapakan na niya.
Kung alive si Kuya Germs, sure ako na hindi niya magugustuhan ang inasal ni Hiro dahil paulit-ulit ang pagsesermon niya sa mga baguhang artista na magbigay ng respeto sa mga kapwa artista na nakatatanda sa kanila.
Baka naman feeling sikat na si Hiro dahil maganda ang ratings ng Little Nanay? May dapat mag-remind kay Hiro na one of those lamang siya sa Little Nanay dahil show ito nina Kris Bernal, Nora Aunor, at ng child star na si Chlaui Malayao.
Fans na nakapanood na, pinuri ang kakengkoyan nina Benjie at Candy sa Lumayo…
Magaganda ang reviews sa Lumayo Ka Nga Sa Akin kaya marami ang naengganyo na panoorin ang pelikula ng Viva Films na showing na sa mga sinehan.
Hindi maka-get over ang mga nanood ng Lumayo Ka Nga Sa Akin sa mga nakakalokang eksena na parody ng mga napapanood natin sa mga Tagalog movie at teleserye.
Proud si Benjie Paras dahil nakagawa siya ng pelikula na kagaya ng Lumayo Ka Nga Sa Akin.
Si Candy Pangilinan ang leading lady ni Benjie sa unang episode ng pelikula.
Kasama rin si Candy sa cast ng Tasya Fantasya ng TV5 at sa presscon nito noong Huwebes, nakatanggap ng mga papuri si Candy mula sa mga reporter dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Lumayo Ka Nga Sa Akin.
Sina Candy at John Lapus ang nagpasaya sa presscon ng Tasya Fantasya dahil sa kanilang mga one-liner sa younger co-stars nila.