MANILA, Philippines – Kabilang si ABS-CBN star Liza Soberano sa "100 most beautiful faces of 2015" ng TC Candler sa kanilang taunang Independeng Critics List.
Nasa ikaanim na pwesto si Liza, kung saan dinaig niya ang Hollywood actresses na sina Emilia Clarke at Chloe Moretz.
Pasok din naman sa listahan ang kapwa Kapamilya ni Liza na si Kathryn Bernardo na lumapag sa ika-80 pwesto.
"Aesthetic perfection is only one of the criteria. Grace, elegance, class, poise, joy, promise, hope... they are all embodied in a beautiful face," sabi ng TC Candler sa kanilang Facebook page.
Panoorin ang kumpletong listahan: