John Lloyd tameme ‘pag inuurirat sa ‘relasyon’ daw nila ni Bea!

PIK: “It was magical!” ang description ni Martin Nievera nang magkita raw sina Pops Fernandez at isa niyang anak na si Santino.

Kuwento ni Martin sa presscon ng concert niyang Royals na gaganapin sa SM MOA Arena sa February 13, noon pa man ay gusto na raw ni Pops na makita ang anak niya kay Katrina Ojeda. Nagkikita lang daw sila thru Facetime, at nung nakaraang Pasko lang sila personal na nagkita at nagkakilala.

Sa pag-uusap naming iyon, nilinaw ni Martin na si Santino ay naging anak daw niya kay Katrina nung wala na sila ni Pops.

Nasa tamang panahon lang na magkakilala na sina Pops at Santino dahil close naman daw ang 9-year-old son niya sa mga Kuya niyang sina Robin at Ram.

Ang Royals concert ni Martin ay kakaibang kumbinasyon nila ni Regine Velasquez kasama sina Erik Santos at Angeline Quinto.

PAK: Tuloy pa rin ang imbestigasyon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Congress kamakalawa ng hapon.

Dumalo na si John Lloyd Cruz bilang suporta sa ipinaglalaban nila sa Honor Thy Father. Pero nilinaw na rin ng aktor na hindi lang ito para sa pelikula nila, kundi para sa susunod na MMFF nang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Pakiusap ng aktor, dapat ay makiisa ang buong movie industry para magkaroon daw ng pagbabago sa susunod na filmfest.

Aniya; “It’s about time na gawin nating totoong festival ang Metro Manila Film Festival. Hindi siya parang venue para pagkakitaan. Ibalik natin ‘yung panahon noon na ipalabas natin ‘yung mga importanteng pelikula.”

Pero pagdating sa isyu nila ni Bea Alonzo, iniwasan na itong sagutin ng Kapamilya actor.

BOOM: Si Boots Anson-Roa ang unang nag-resign sa mga MMFF Executive Committee kaugnay sa imbestigasyon ng Kongreso.

Doon sa hearing ay nag-tender na si Ms. Boots ng kanyang resignation at inaasahang sundan na rin ito ng buong committee.

Nabanggit din ng ibang taga-Execom na willing silang ipa-audit ang lahat na kinita ng MMFF para malinawan na ang lahat.           

Natutuwa na rin ang producer ng Honor Thy Father na si Dondon Monteverde na nagkaroon na ng hakbang sa pag-imbestiga ng mga nangyayaring katiwalian sa taunang MMFF.

Napag-alamang isa nga sa miyembro ng Execom ang involved sa production ng dalawang pelikulang kalahok sa MMFF.

Sabi ni Dondon, kung pinarusahan daw sila dahil sa na-break nila na rules, ano naman daw ang gagawin sa miyembro ng Execom na nag-break din ng rules na sila raw mismo ang gumawa?

Kaya sana tuluy-tuloy daw ang imbestigasyon.

“Ang atin lang naman sana na magkaroon ng revamp, at we’ll make sure na luminis in their ranks talaga na walang ganyang mangyayari ulit,” pahayag ni Dondon.

Mangyari kaya ito?

Show comments