MANILA, Philippines – Ikinagulantang ng lahat ang pagbabalik ni Claudia (Angelica Panganiban) nang bigla itong humagulhol at umeksena sa mismong kasalan ng asawang si Eduardo at ni Amor.
Naantala nga ang kasal kung saan biglang nahimatay si Nanay Belen (Amy Austria) matapos ipahiwatig ni Claudia na wala siyang natatandaan sa kanyang nakaraan at kunwari’y hindi nakilala ang mga anak na sina Angelo (Daniel Padilla) at Lia (Andrea Brillantes).
Talaga namang inabangan ng Kapamilya viewers nationwide ang pagbabalik ni Claudia kung kaya’t pumalo ang episode ng national TV rating na 34.9% ayon sa datos ng Kantar Media.
Sa tuluyang pagpasok muli ni Claudia sa buhay ng kanyang pamilya, determinado siyang bawiin ang kanyang pamilya sino man ang masaktan. Ano na nga kaya ang kahahantungan ng relasyon nina Eduardo at Amor? Anu-ano pa nga ang kayang gawin ni Claudia mapaniwala lang ang lahat sa kanyang kondisyon?
Huwag palampasin ang classic love story Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.