Kahit nagpakita na si John Lloyd, hearing ng kaso laban sa MMFF 2015 ‘di sinipot ng ibang iniimbestigahan!
SEEN: Mga puti at pula na rose petals ang isinaboy sa funeral car na lulan ang labi ni German Moreno nang idaan ito kahapon sa kanyang former movie studio, ang Sampaguita Pictures.
SCENE: Ang pamangkin na si John Nite ang nagbigay ng pinakamahaba na eulogy sa necrological service para kay German Moreno sa Our Lady of Mount Carmel Shrine noong Martes. Nagbitaw ng salita si John na handa siya na tanggapin ang hamon na ipagpatuloy ang mga nasimulan na proyekto at pagtulong sa mga aspiring star ng kanyang tiyo.
SEEN: Hindi nakalimutan ni John Nite na i-plug sa eulogy na kasama siya sa cast ng re-run ng musical play na Bituing Walang Ningning. Ginagampanan ni John ang role ni Kuya Germs sa Bituing Walang Ningning.
SCENE: Sa sobrang haba ng eulogy ni John Nite, nagsalita ang anak ni German Moreno na si Federico na nagmana talaga siya (John) sa namatay na television host at starmaker.
SEEN: Parang scriptwriter ng teleserye ang nagsulat ng statement na binasa ni John Lloyd Cruz sa pagpapatuloy kahapon ng congressional hearing tungkol sa mga kontrobersya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.
SCENE: Kaunti lamang ang bilang ng mga tao at miyembro ng media na sumubaybay kahapon sa congressional hearing ng MMFF 2015 dahil marami ang dumalo noong Lunes.
SEEN: Ang balita na hindi magkakaroon ng extension ang Allegiance, ang Broadway play ni Lea Salonga dahil hindi ito gaanong tinangkilik ng publiko.
SCENE: Kumpirmado ang pagdalo ni Pia Guanio at ng asawa nito na si Steve Mago sa kasal nina Pauleen Luna at Vic Sotto sa January 30. Ex-boyfriend ni Pia si Vic.