Bilib na bilib ako kay dating senador Ramon Revilla, Sr. dahil nakapunta pa siya sa Mt. Carmel Church para magbigay-pugay kay German Moreno at makiramay sa naulilang pamilya.
Na-stroke si Mang Ramon, seven years ago, naka-wheelchair na siya at may nurse na kasama kapag umaalis sa mansyon niya sa Bacoor, Cavite.
Effort kay Mang Ramon ang bumiyahe nang malayo pero dumalo pa rin siya sa misa at necrological service ng Sampaguita Pictures para kay Kuya Germs.
Sa mga hindi nakakaalam, contract star ng Sampaguita Pictures si Mang Ramon at leading lady niya noon sa mga pelikula si Gloria Romero.
Maagang nagpunta sa Mt. Carmel Church si Mang Ramon noong Martes. Kasama niya ang mga anak na sina Bacoor City Mayor Strike Revilla at Marlon at ang kanyang manugang na si Bacoor House Representative Lani Mercado.
Live na ipinakita sa 24 Oras ang pagdating ni Mang Ramon at dahil hanggang 8 p.m.lang ang primetime news program ng GMA 7, hindi na naipakita ang pagsasalita ni Mang Ramon tungkol kay Kuya Germs.
Ikinuwento ng aking mga source sa lamay na nagbigay-pugay si Mang Ramon kay Kuya Germs at sa Sampaguita Pictures, kahit hirap siya sa pagsasalita. Nagawa rin niya na magpatawa sa kabila ng kanyang kalagayan kaya tuwang-tuwa ang mga bisita.
Lani naging sugo ni Bong
Ikinalungkot ni Senator Bong Revilla, Jr.ang desisyon ng Sandiganbayan First Division na huwag silang payagan ni Senator Jinggoy Estrada na makadalaw sa burol ni Kuya Germs.
Kahit nalungkot, iginalang ni Bong ang pasya ng Sandiganbayan. Ipinagdasal na lamang niya ang kapayapaan ng kaluluwa ng kanyang tatay-tatayan sa showbiz.
Si Lani ang naging representative ni Bong sa lamay para kay Kuya Germs.
Romeo Vasquez pinakukumusta ang anak na si Liezl kay Kuya Germs
Naririto sa bansa ang veteran actor na si Romeo Vasquez na namataan din sa burol ni Kuya Germs.
Si Bobby pala ang nagdala kay Kuya Germs sa Sampaguita Pictures at manager ng Clover Theater ang pakilala niya kay Kuya Germs kay Mommy Vera.
Ang sey ni Bobby, matagal na silang magkakilala ni Kuya Germs na nagtatrabaho pa noon bilang telonero sa Clover Theater. Libre ang panonood ni Bobby ng burlesque show sa Clover Theater dahil pinapapasok siya ni Kuya Germs at ito ang nagkumbinsi sa kanya na mag-artista.
Nang maging artista si Bobby, siya naman ang tumulong kay Kuya Germs para matupad ang pangarap nito na maging komedyante at contract star ng Sampaguita Pictures.
Ikinuwento ni Bobby na si Kuya Germs ang nagkumbinsi sa kanya na magbalik-bayan at i-resume ang showbiz career niya.
Bukod sa pakikiramay sa mga naulila ni Kuya Germs, umuwi ng bansa si Bobby para dalawin ang kanyang ex-wife na si Amalia Fuentes.
Sa ending ng tribute niya kay Kuya Germs, hiniling ni Bobby na ikumusta siya ng sumakabilang-buhay na kaibigan sa kanyang anak na si Liezl na pumanaw noong March 2015.
Gloria Romero hindi makapaniwala
Nagsalita rin sa necrological service para kay Kuya Germs ang kanyang matalik na kaibigan na si Gloria Romero.
Hindi makapaniwala si Mama Glo nang matanggap niya ang text message na nagkaroon ng massive heart attack si Kuya Germs noong nakaraang linggo.
Tinawagan niya sa telepono si Manay Marichu Vera Perez Maceda para kumpirmahin ang balita dahil anonymous number ang nagpadala sa kanya ng shocking news.
Nang sabihin ni Manay Ichu na totoo ang balita, umiyak na lamang nang umiyak si Mama Glo dahil hindi niya makalimutan ang sinabi ni Kuya Germs na gusto pa nito na mabuhay nang matagal para sa mga baguhang artista na kanyang tinutulungan.