Malapit nang mapanood ang bagong teleseryeng pagtatambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil na Dolce Amore. Kaabang-abang ang bawat eksena sa nasabing proyekto lalo pa’t marami silang kinunan sa Italy. “I think it will be airing in February. It was super fun because I get to learn another language. When I went to Italy, my scenes, nalaman ko purong Italian siya talaga. I had this one scene with tita Cherie Gil, it was kind of a confrontation scene. I had to speak pure Italian only. I couldn’t speak Tagalog or English. It was really hard. It’s also fun and satisfying,” pagbabahagi ni Liza.
Maraming mga Pinoy na tagahanga raw ang nakilala ng aktres sa Italy. “We were going around, we wanted to find shops but we couldn’t see them. I said hanap kami ng Pinoy, baka matulungan kami. When we were looking around, there was none. But when they found out that I was there, lahat sila pumupunta sa hotel,” kwento ni Liza.
Maraming mga Pinoy ang bumiyahe pa raw ng malayo upang makita lamang ang dalaga. “There were more than 50 people I think outside of the hotel room, nagulat ako. I was happy to see them kasi minsan lang naman sila makakita ng artista. At least nakasama ko sila kahit saglit lang,” dagdag pa niya.
John gusto nang magka-junior
Gusto na raw sundan ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles ang kanilang panganay na anak na si Anechka. “Gusto talaga ng asawa ko isa pa, pero ang sabi ko, ‘O sige after ng soap opera,’” bungad ni Priscilla.
Kasama ang beauty queen-actress sa teleseryeng Be My Lady na magsisimula na ngayong Lunes sa Kapamilya network.
Sumang-ayon naman daw si John sa kagustuhan ni Priscilla na pagkatapos na lang ng nasabing proyekto muling mag-aanak. “How many months ang soap opera? Six months? Sabi niya, ‘Okay lang basta masaya ka. Hintay na lang,’” kwento ni Priscilla.
Ngayon ay lalaki na ang gustong maging anak ng mag-asawa. “He really wants a baby boy although he doesn’t say it. Kasi sabi niya, ‘Ganoon talaga kung mabait kang tatay at asawa, palaging babae ang anak.’ ‘Yun ang mga words niya. So sabi ko, ‘Ano ang gusto mo?’ Sabi niya, ‘Sige babae na lang para mag-alaga sa akin kung matanda na ako,” pagbabahagi ng aktres.
Tatlong babae at isang lalaki ang naging anak ni John sa dating asawang si Janice de Belen.