Maricel at Herbert ‘di nagpakita sa premiere ng sariling pelikula!
Hindi pala nakarating sina Maricel Soriano at Quezon City Mayor Herbert Bautista sa premiere night ng Lumayo Ka Nga Sa Akin sa SM Megamall Cinema 9 noong Lunes.
Understood na hindi nakapunta si Papa Herbert sa premiere ng kanyang pelikula dahil sa rami ng mga responsibilidad niya bilang mayor ng Quezon City.
Hindi niya tuloy narinig ang malakas na tawanan at mainit na pagtanggap ng audience sa Lumayo Ka Nga Sa Akin na joint venture ng Viva Films at ng Heaven’s Best Entertainment.
Paolo binagayan ng pagiging macho at asawa ni Marie
Very MariMar ang kuwento ng Asawa Ni Marie, ang third episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin at ito ang opinyon ng mga dumalo sa premiere night ng comeback movie ni Cristine Reyes.
Aliw na aliw ang mga nanood kay Yagit, ang alagang aso ni Marie na nagsasalita rin tulad ni Fulgoso, ang pet dog ni MariMar. Ang kaibahan lang, kasinglaki ni Marie si Yagit.
Ibang Paolo Ballesteros ang mapapanood sa Asawa ni Marie dahil mhin na mhin na siya. Bagay raw kay Paolo ang mga role na straight guy at isa sa mga mhin na karelasyon ni Marie.
Dahil ‘di pinayagang bumisita, Sen. Bong naglabas na lang ng nararamdaman
Hindi na ako nagulat sa desisyon ng Sandiganbayan na huwag payagan na pumunta sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa lamay para kay Kuya Germs.
At least, sinubukan nina Papa Jinggoy at Bong na mag-file ng petisyon, kahit malabo na pumayag ang Sandiganbayan.
Huling nakita nina Papa Jinggoy at Bong si Kuya Germs noong December 2015. Kahit nasa wheelchair, personal na dinalaw ni Kuya Germs ang dalawa na two years nang nagpa-Pasko sa loob ng PNP Custodial Center.
Saksi si Kuya Germs sa love story nina Bong at Lani Mercado na isa sa mga co-host niya sa GMA Supershow, ang number one Sunday variety show noon.
Naglabas na lang si Bong ng mahabang mensahe para kay Kuya Germs nang pumanaw ito noong January 8.
“Buong buhay ni Kuya Germs, hindi siya nagsawang tumulong at umagapay. He never forgot his humble beginnings, and honored those who helped him by never stopping helping others. Literal, si Kuya Germs, isusubo na lang, ibibigay pa sa iba na nangangailangan.
“Isa ako sa mga tinulungan niya. Kung hindi nagkaroon ng Kuya Germs sa buhay ko, walang Bong Revilla. Hindi ako naging ganap na artista; hindi ko nakilala at napakasalan si Lani kaya baka wala rin akong pamilya.
“Kuya Germs, kahit ‘di kadugo, was family. He was more than a second father to me, Lani, Jolo, Bryan, and my other children.
“Kahit nga mga rehas ng aking piitan at ang kanyang kalusugan, ay hindi naging hadlang. Kahit naka-wheelchair na, ‘di niya nakalimutang bisitahin ako sa aking birthday.
“Noong Pasko naman, tiniyak niyang tuloy ang aming tradisyon na sama-sama kaming mananghalian, kahit nga doon kami sa loob ng kulungan.
“Kuya Germs, noong Pasko sabi ko sa’yo ‘wag mo kaming iiwan. Sabi mo naman, walang tulugan kaya lang ngayon, alam naman namin, na sa lahat ng iyong pinagdaanan at nagawang kabutihan, you now deserve to rest.
“Sa rami ng iyong napasaya at nabiyayaan, you will always be the ONLY MASTER SHOWMAN. Your mark will always be with us, and your memories will continue to touch our lives and bring smiles to our faces.
“It is still too soon to see you go but God now wants you with Him to look after us from heaven. Sayang at hindi na tayo pinagbigyan ng panahon na ako naman sana ang pupunta at bibisita sa’yo pagkatapos nitong pagsubok na kinahaharap ko.
“Ganunpaman, panatag ang aking kalooban na masayang masaya ka na ngayon.
“I will miss you Kuya Germs. Thank you so much! Till we see each other again.”
- Latest