MANILA, Philippines – Imbitado ang lahat sa grand debut celebration ng Kapamilya teen royalty na si Liza Soberano ngayong Linggo (Jan 10) sa ASAP.
Alamin kung sino ang kanyang 18 dances at kiligin sa kanilang moment ni Enrique Gil.
Isang bridal shower naman ang naghihintay para kay Cristine Reyes, habang magsasama-sama naman ang pakakaabangang teleserye loveteams ngayong 2016 - Kim Chiu at Xian Lim, Janella Salvador at Elmo Magalona, Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, at Toni Gonzaga at Piolo Pascual.
Hahataw naman sa dance floor ang pinakamaiinit na leading men na sina Gerald Anderson, Elmo, Jerome Ponce, Joshua Garcia, at Enrique at muli ring magpapasiklab ang dance goddess na si Sarah Lahbati kasama ang isang espesyal na guest.
Samantala sa One Lucky Day kasama si Luis Manzano, isa na naming viral at online sensation ang magkakaroon ng once-in-a-lifetime chance para makatapak sa ASAP spotlight.
Huwag palampasin ang ASAP ngayong Linggo (Jan 10), 12:15pm, sa ABS-CBN.
The Voice Kids nanguna sa listahan ng top 20 shows ng 2015
Namayagpag sa natapos na taon ang ABS-CBN. Ito ay base sa datos ng Kantar Media mula Enero hanggang Disyembre (hindi kasama ang Holy Week) noong nakaraang taon, nagtala ng average national audience share na 43% ang Kapamilya Network kontra 36% ng GMA 7.
Nanatili ring pinakatinutukan ang primetime block (6PM – 12MN) sa buong 2015 sa average national audience share nito na 50% kumpara sa 31% ng kalaban.
Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood.
Pinakapinanood na programa noong nakaraang taon ang The Voice Kids (41.7%) na sinundan ng FPJ’s Ang Probinsyano (38.8%), Nathaniel (34.6%), Pangako Sa’Yo (33.5%) at MMK (30.5%).
Bagamat halos isang buwan pa lang umeere ay pumasok pa sa ikaanim na pwesto ang Dance Kids sa average national TV rating na 30%. Sinundan ito ng Dream Dad (29.9%), Your Face Sounds Familiar Season 1 (29.8%), Forevermore (29.2%) at sa ikasampung pwesto ay ang TV Patrol (28.2%).
Kabilang din sa top 20 ang mga programang Wansapanataym (27.9%), Rated K (25.2%), Your Face Sounds Familiar Season 2 (25.1%), Home Sweetie Home (24.2%), The Voice of the Philippines (23.2%), Pasion De Amo (23%), Bridges of Love (22.2%), Goin Bulilit (21.4%), at On the Wings of Love (21.3%).
Mas tinangkilik din ang ABS-CBN sa ibang teritoryo tulad sa Balance Luzon kung saan pumalo ito sa national average audience share na 45% ; sa Visayas sa audience share na 55%; at sa Mindanao na may 54%.