^

PSN Showbiz

Bea dapat magpaliwanag Angelica parehas ang kapalaran kay Shaina?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Paano ba naman magkakaroon ng romansa sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo gayung ongoing pa naman ang affair ng aktor kay Angelica Panga­niban?

Wala pa namang nabalitaang hiwalayan sa pagitan nila, ‘di ba?

Kung totoo ito, eh maraming dapat sagutin o ipaliwanag ang akor dahil sa ganito ring paraan nagwakas ang relas­yon nila ni Shaina Magdayao.

Ayaw naman siguro niyang isipin ng fans at followers niya na two timer siya. Pero, ang bigat ng kasalanan ay papa­sanin sigurado ni Bea dahil kahit hiwalay na sila ni Zanjoe Marudo, di pa libre si John Lloyd kay Angelica. Pero si John Lloyd ang tipo na ayaw mag-open sa public. Baka si Bea pa ang makapagbigay ng linaw sa isyu sa kanila ni John Lloyd.

Chiz, ‘damay’ sa mga sideline ni Heart

Sa kabila ng napakaabala niyang ga­wain bilang asawa ng isang vice pre­sidentiable, hindi mapigilan ni Heart Evangelista ang paglitaw ng marami niyang talento.

Matapos ang kanyang matatagumpay na exhibit ng mga pagpinta sa canvas, pagpipinta naman ng mga damit ang inaatupag niya.

Labinlima sa mga pininta niya ay makikita sa isang napakala­king fashion show ng pamosong designer na si Mark Bumgarner na magaganap sa January 18 sa Dusit Thani Hotel.

Dalawa dito ay io-auction pagkatapos ng palabas at ang mapagbebentahan ay pupunta sa Corri­dor of Hope Foundation at Thalessenia Foundation. Siguradong ang matitirang piraso ay ipag­bibili rin pero, sa mas mataas ng halaga para pa rin sa sinusuportahang mga charity ng show.

Malaking tulong si Heart sa kandidatura ni Sen. Chiz Escudero dahil ang mga ginagawa niya para sa kanyang karera at maging personal na buhay ay nabibiyayaan din ito.

Priscilla alanganin pa sa pag-arte

Medyo alanganin pa si Priscilla Meirelles sa kanyang first acting job sa Be My Lady.

Nagulat pa siya when the role for the new series was offered to her pero, tinanggap niya ang challenge kahit alam niyang hindi siya artista. “Nakakahiya dahil ang asawa ko ang galing galing na artista pero, ako hindi marunong umarte. But I’m slowly gaining confidence thanks to my direktor and co-actor who help a lot,” anang asawa ni John Estrada na hindi nagkaroon ng problema working with her husband’s ex, Janice de Belen, dahil pareho silang propesyonal sa set.

Kahit sikat na, EA going strong pa rin ang relasyon sa GF

Hindi naman pala naapektuhan ng tinatamong kasikatan ni Edgar Allan Guzman ang relasyon nila ng girlfriend na si Shaira Mae.

Okay pa rin naman sila kaya lamang pareho na silang naka-focus sa kanilang mga karera, lalo na si EA, na simula nang magpakitang-gilas sa Your Face Sounds Familiar ay hindi na tinantanan sa assignment ng Kapamilya Network. Masaya naman ito dahil magkakaron na ng mukha ang panga­rap niyang mabigyan ng bahay ang pamilya niya.

Buti naman at multi-talented si EA, bukod sa umaarte ay kumakanta rin. Na-reveal niya na ang pina­ka-passion niya ay dancing at ito, bukod sa pag­kanta, ang ipagmamalaki niya sa first ever major con­cert niya sa January 16 sa Music Museum.

Pinamagatang #Always EA, makakasama niya sa concert sina Michael Pangilinan at Gerald Anderson.

ACIRC

ANG

ANGELICA PANGA

BE MY LADY.

BEA

BEA ALONZO

BUT I

JOHN LLOYD

NAMAN

NIYA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with