Ayaw talagang ipaalam sa buong bayan Pauleen imbyerna pa rin sa nagbuking ng petsa ng kasal nila ni Vic

Lahat ng anak ni Vic Sotto ay may partisipas­yon sa kasal nito kay Pauleen Luna, kaya mali ang tsikang wala sa entourage si Paulina Sotto. Sila ng kapatid na lalake ni Pauleen ang candle sponsor.

Si Vico Sotto ang best man. Sina Danica Sotto-Pingris at Marc Pingris ang veil sponsor at sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa-Sotto ang cord sponsor.

May sagot pala si Pauleen sa nag-react na sana hindi siya magalit sa ABS-CBN dahil nanggaling siya sa Kapamilya Network at sa kampo niya nanggaling ang detalye ng petsa at venue ng kasal nila ni Vic.

“FYI. No one has announced the date and the venue of our wedding from our side. Kasi they res­pected the fact that we want to keep it private. I guess not everyone feels the same way,” sagot ni Pauleen.

Para raw ‘di pawisan, Rochelle sa Tagaytay gustong ikasal

Mabuti at hindi napagod si Rochelle Pangili­nan sa paulit-ulit na tanong ng press people sa presscon ng Wish I May kung kailan sila pakakasal ni Arthur Solinap?

Nagbiro tuloy si Rochelle na hindi pa siya nakakabili ng engagement ring at hindi pa siya nakakapag-propose.

Na-preempt tuloy ang plano ni Arthur na mag-propose kay Rochelle this year at sa isang reporter pa nalaman ni Rochelle ang plano ng BF.

Nakakuwentuhan ni Arthur ang reporter at nabanggit ang plano niyang mag-propose this year at aksidenteng naitsika ng reporter kay Rochelle.

If ever mag-propose, ready nang mag-asawa si Rochelle at sa eight years relationship nila ni Arthur. Sure na siyang ang aktor ang gustong makasama fore­ver. Hindi lang sila BF/GF, business partners din sila sa isang spa at tubuhan sa Iloilo na ang naaaning tubo ay ginagawang asukal. Bongga ang magdyowang ito!

If ever may kasalan this year, gusto ni Rochelle sa Tagaytay sila ikasal dahil malamig doon at bilang pawisin siya, hindi siya papawisan habang ikinakasal.

Anyway, kontrabida na naman si Rochelle sa Wish I May at mother pa ni Miguel Tanfelix at wala siyang reklamo sa role na ibinigay sa kanya ng GMA 7. Sa January 18 na ang pilot ng teleserye.

Susan apaw ang qualifications sa pagka-senador

Humingi ng tulong sa entertainment press si Susan “Toots” Ople sa muli niyang pagtakbong senador sa darating na eleksyon. Naniniwala siyang malaki ang magagawa ng entertainment press na ipaalam sa mga botante na tumatakbo siyang senador dahil halos lahat ng Pinoy ay mahilig sa showbiz.

Ang entertainment press daw ang magiging tulay niya sa masa dahil binabasa at naniniwala ang masa sa entertainment press. Alam niya na majority ng nagbabasa ng diyaryo, ang entertainment section ang unang binabasa.

Kinuha rin ni Susan ang tulong ng movie press na maiparating sa gobyerno ang panawagan na parte ng nalikom na blood money ng OFW na na-excute sa Saudi Arabia ay i-donate sa pamilya nito.

Mahirap ang pamilya ng OFW at ang kapatid nitong nagtatrabaho sa manukan ay kumikita lang ng P300 a day, ‘yun din ang rason kung bakit hindi nakapag-raise ng enough blood money na hinihingi ng pamilya ng napatay nito sa Saudi Arabia.

Sa tulong ng OFW, naniniwala si Susan na mararating niya ang gusto niyang puntahan and this time, manalo ng senador. Suportado siya ni Dennis Padilla na libre niyang endorser at nangangampanya sa kanya dahil naniniwalang malaki ang magagawa ni Susan hindi lang sa mga OFW.

Gusto ni Dennis na matuloy ang balak ni Susan na magkaroon ng OFW Medical Center para sa OFW at sa pa­milya nila. Relate na relate sa OFW ang aktor dahil apat sa kapatid niya ang nagtatrabaho sa ibang bansa.

AlDub movie for Valentine ‘di pa rin plantsado!

Ininterbyu na pala si Maine Mendoza ng Disney Channel Asia at naipalabas na ang nasabing interview sa pagkakapili niyang gumanap bilang Ice Queen na si Elsa sa Frozen para sa Disney calendar for this year.

Ang husay mag-ingles at accent ni Maine ang napansin ng kanyang fans.

Ayun, kagulo ang fans ni Maine at AlDub Nation kung paano makakakuha ng kopya ng calendar. Kung bibisita sila sa FB page ng Disney Channel, malalaman ng fans na may promo ang Disney Channel kung paano magkakaroon ng copy ng calendar.

Samantala, habang hindi pa plantsado ang next movie nina Maine at Alden Richards at hindi pa mapag-usapan ng GMA 7 at APT Entertainment kung kailan gagawa ng TV show ang dalawa, sa TVC ng endorsements ng AlDub muna focus ang fans.

Show comments