^

PSN Showbiz

Kuya Germs kinamatayan na ang apelang ibalik ang That’s Entertainment!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tiyak na hahanap-hanapin ng mga alaga at anak-anakan ng yumaong Master Showman, star builder at showbiz icon na si German “Kuya Germs” Moreno ang kanyang mga pangaral.

“Maging magalang kayo sa mas nakatatanda sa inyo, maging professional sa inyong trabaho at higit sa lahat, ‘wag na ‘wag kayong magbabago kahit sikat na kayo dahil ang kasikatan ay temporary lamang at matuto kayong mag-ipon para sa inyong kinabukasan,” ilan sa mga pangaral ni Kuya Germs sa kanyang mga alaga mula sa nawalang That’s Entertainment hanggang sa Walang Tulugan with the Mastershowman.

Kung may isa mang frustration o disappoinment ang namayapang si Kuya Germs ay ang pagkawala ng kanyang mahal na youth-oriented program na That’s Entertainment na noong siya’y nabubuhay pa ay pinapangarap niyang mu­ling maibalik sa ere pero hindi na nangyari.

Ang That’s Entertainment na tumagal ng sampung taon sa ere ay pinagmulan ng maraming stars at kabilang na rito sina Lea Salonga, ang namayapang Master Rapper na si Francis Magalona, Billy Crawford, Judy Ann Santos, ang senatoriable na si Isko Moreno, ang successful concert producer na si Joed Serrano, Ruffa Gutierrez, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, Tina Paner, Janno Gibbs, ang businesswoman na si Jennifer Sevilla, Piolo Pascual, Jean Garcia, Glydel Mercado at napakarami pang iba.

Kahit ang Megastar na si Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Dawn Zulueta, Gretchen Barretto, Lani Mercado, Rachelle Anne Wolfe at iba pa ay dumaan at natulungan din ni Kuya Germs sa pamamagitan ng kanyang Sunday noontime show sa GMA.

Halos lahat na lang yata ng mga artista ay may kani-kanyang good experience to share about Kuya Germs na sa sobrang pagmamahal sa industriya ay hindi na inalintana ang sarili niyang kapakanan at kalusugan.

Noong nabubuhay pa si Kuya Germs, marami pa siyang magagandang plano na gustong gawin at matupad.

Bago magsimula ang taping ng Walang Tulugan every other Friday ay nagbibigay siya ng audition sa mga kabataan na may mga pangarap na makapasok sa showbiz at makilala balang araw.

Ang bahagi ng Walang Tulugan with the Master Showman ay naging mini version ng That’s Entertainment kung saan ang mga bata at mga baguhang talent ay binibigyan niya ng break sa pagkanta, pagsayaw at paghu-host at ilan na rin sa mga ito ay unti-unting na-develop at nagkapangalan tulad nina Jake Vargas, Ken Chan, Michael Pangilinan, Hiro Peralta at iba pa.

Natutuwa si Kuya Germs kapag ang mga anak-anakan niya sa WTWTMS ay nabibigyan ng break sa iba’t ibang programa ng GMA o maging ng ibang TV network.

Sina Marlo Mortel at Michael Pangilinan ay nabigyan ng magandang break ng ABS-CBN kahit alam niya na mawawala ang mga ito sa kanyang programa.

“Lahat naman sila ay gusto kong makalipad on their own,” paha­yag pa noon ni Kuya Germs.

“Nandito lamang ako para sila’y gabayan at tulungan na matupad ang kanilang mga pangarap,” dugtong pa ni Master Showman.

Sa kabila ng kanyang edad at kalusugan, never naming kinaringgan si Kuya Germs na salitang pahinga at pagreretiro.

“Hangga’t ako’y buhay, hindi ako titigil sa pagtulong sa mga kabataan at sa industriya,” diin niya.

Although dumaan din si Kuya Germs sa ups and downs ng kanyang karera na tumakbo ng mahigit 50 taon, never namin ito kinakitaan ng depression at hindi rin siya ‘yung tao na madaling sumuko at pang­hinaan ng loob.

Kuya Germs was a great inspiration to everyone.

Samantala, agad dinagsa ng mga kaanak, mga kaibigan at mga kasamahan sa industriya ang unang gabi ng lamay ni Kuya Germs sa Mt. Carmel in New Manila, Quezon City last Friday, January 8.

Ang wake sa Mt. Carmel ay tatagal hanggang Martes (Jan. 12) ng gabi at kinabukasan, Jan. 13 ay magkakaroon ng overnight vigil sa Studio 7 ng GMA Annex Bldg. at kinabukasan, January 14 ang kanyang libing sa Loyola – Marikina kung saan nakahimlay ang kanyang mga magulang at ibang kaanak.

ACIRC

ANG

GERMS

KANYANG

KUYA

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

MGA

MICHAEL PANGILINAN

MT. CARMEL

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with