Nora umiyak sa harap ng kabaong ni Kuya Germs, Ang Panday nagsimula na ang taping kasalang Vic at Pauleen tatapatan nina MJ at Oscar!

SEEN: Umiyak si Nora Aunor sa harap ng bangkay ni German Moreno sa unang gabi ng burol ng television host noong Biyernes sa Mount Carmel Shrine, New Manila, Quezon City.

SCENE: Si Dulce ang nag-alay ng madamdamin na kanta sa unang gabi ng burol ni German Moreno. Naging emosyonal ang ibang mga bisita sa pag-awit ni Dulce.

SEEN: Si Ken Chan ang hinahanap ng fans sa wake ni German Moreno. Protégé ni Kuya Germs si Ken Chan na nakilala dahil sa karakter nito sa Destiny Rose ng GMA 7.

SCENE: Magpapatuloy ang Walang Tulugan, kahit wala na si German Moreno ang sabi ng isang talent ng programa. Dapat manggaling ang kumpirmasyon mula sa management ng GMA 7 at hindi sa talent ng naiwanan na programa ng tinaguriang Master Showman.

SEEN: Personal na tinanggap nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang Best Foreign Actor and Actress awards sa 2015 Face of the Year Awards ng Vietnam noong Biyernes. Sikat sa Vietnam ang loveteam nina Daniel at Kathryn dahil ipinapalabas doon ang kanilang teleserye na Got To Believe.

SCENE: Ikakasal sa January 30 sa magkaibang oras sina Pauleen Luna at Vic Sotto at ang mga television reporters na sina MJ Marfori at Oscar Oida. Touched ang ilang mga miyembro ng entertainment press dahil imbitado sila sa hindi inililihim at ipinagdaramot na kasal nina MJ at Oscar.

SEEN: Nagsimula nang mag-taping sa Paoay, Ilocos Norte ang cast ng television remake ng Ang Panday ng TV5. Sa susunod na buwan ang target airing ng Ang Panday na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez at sa direksyon ni Mac Alejandre.

SCENE: May pressure na nararamdaman ang cast ng Wish I May dahil top rating afternoon teleserye, ang The Half Sisters, ang programa na papalitan nila sa January 18.

Show comments