Cristine natatakot sa magiging career ni Ali

Nababalitang mag-aartista na rin daw ang mapapa­ngasawa ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi.

Nakapirma na raw ang binata ng kontrata sa Viva para sa ilang gagawing proyekto. “Viva signed him up. Sa Viva Sports. But then again, pinag-workshop siya sa acting. Tawa nga siya nang tawa eh. Sabi niya, hindi niya alam ang ginagawa niya, pero we’ll see. Sabi ko naman sa kanya, kung me­rong kumakatok sa pinto mo, hindi naman lahat ng tao kinakatakutan ng pinto eh. Bakit hindi mo buksan?” naka­ngiting pahayag ni Cristine.

Noon ay natatakot daw ang aktres na pasukin din ni Ali ang show business dahil marami talagang mga babaeng nagkakagusto sa binata.

“Noong una natakot ako. Baka mamaya, ang da­ming temptation diyan. Pero sa pagkakakilala ko naman kay Ali, ayokong sabihing kampante pero I trust him enough,” giit ni Cristine.

Sa January 27 ay gaganapin na ang kasal ng magkasintahan kaya sobrang excited na rin ng aktres para dito. “We plan to make things right this year and we’re hoping for the better. ‘Yung future family namin, ni Ali and Amarah (anak nila) of course. I mean civil, meaning Christian po, hindi po siya huwes, sa ibang lugar po. Tapos ‘yung big wedding, we will plan it pa lang po. Kasi since marami kaming trabaho ngayon ni Ali na ginagawa, we cannot plan right away for the big wedding. We plan to do the ceremony ‘yung kami-kami lang, intimate lang po,” pagbabahagi ng aktres.

Priscilla aminadong hindi kayang maging kaibigan si Janice

Wala raw naging problema kay Priscilla Meirelles ang pagsasama nila ni Janice de Belen sa teleser­yeng Be My Lady na pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

Si Priscilla ang asawa nga­yon ni John Estrada na asawa naman ni Janice noon. “Sabi ko, ‘Actually Tita A (talent manager ni Priscilla), wala akong problema. The fact, tanong n’yo kay Janice at siya ay Janice de Belen. Sino ako para sabihin na hindi okay?’ Unang-una, wala akong problema sa kanya dahil sobrang mabuting ina siya. Pangalawa, hindi siya ‘yung ex, asawa ko ‘di ba? So ba’t ako magkakaroon ng problema? So I told her, ‘Wala akong problema kay Miss Janice, we’re very civil of course,” paliwanag ni Priscilla.

Kahit maganda ang pakikitungo sa isa’t isa ay hindi naman daw mangyayari na maging matalik na magkaibigan sina Janice at Priscilla. “Hindi kaya nang ma­ging friends or best friends. Kasi iba ang sitwasyon ‘di ba? I’m just being honest but she’s very proper, she’s very professional. You know I’m so blessed because ‘yung first project ko, Janice de Belen kaagad. I’m very thankful, for sure if we’re able to work together, wala na ring problema sa kanya ‘di ba?” giit pa ni Priscilla.

Show comments