MANILA, Philippines – Ilang araw na lamang at magtatapos na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngunit patuloy pa rin ang pagkita nito sa takilya.
Ayon sa MMFF ay nasa P915 milyon na ang kinita ng mga walong pelikula mula nang ipalabas ito noong Disyembre 25 hanggang Enero 3.
Tumanggi pa rin ang pamunuan ng film festival na ilabas kung sino ang nangunguna ngunit nagbigay lamang sila ng Top 4 na in no particular order.
Kabilang dito ang “My Bebe Love,” “Beauty and the Bestie,” “Haunted Mansion” at “#WalangForever.”
Kasali rin sa taunang festival ang "All You Need is Pag-ibig," "Buy Now, Die Later," "Honor Thy Father" at "Nilalang."
Hanggang sa Huwebes, Enero 7 na lang ang mga pelikula.
Sa kinikita ng MMFF ay tanong pa rin ng ilang kung malalampasan ba nila ang halos P1 bilyon na kiita ng 2014 MMFF.
Inaasahang maglalabas ng kabuuang kita ang film festival sa Biyernes.