^

PSN Showbiz

Liza legal nang sagutin si Enrique

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong 18 years old na ang Kapamilya teenstar na si Liza Soberano, maging opisyal na kaya ang relasyon nila ng kanyang perennial screen partner na si Enrique Gil na noon pa man ay na­ging very vocal sa kanyang pagkagusto sa Fil-Am actress?

Obvious naman na may “special something” nang namamagitan between Liza at Enrique pero ayaw lamang nila itong aminin sa publiko dahil wala pa sa tamang edad ang alaga ni Ogie Diaz.

Dahil bata pa, ayaw lang sigurong bigyan ng label ng Kapamilya teenstar kung anuman ang meron sila ng kanyang ka-loveteam na si Enrique.

Maine ang bilis nagmano sa tatay ni Alden

Sobrang kinilig ang AlDub Nation at MaiDen fanatics nang personal na ipakilala ni Alden Richards sa kanyang amang si G. Richard Faulkerson, Jr. ang kanyang kapareha na si Maine “Yaya Dub” Mendoza. Ito’y nangyari sa ika-24th birthday celebration ni Alden sa Eat Bulaga last Saturday. Agad nagmano si Maine sa tatay ni Alden, isang kaugalian ng pagbibigay respeto sa mas nakakatanda.

Bangs ikakasal na

Kamakailan lamang ay naging panauhin namin ni Kuya Germs (Moreno) ang Viva sexy star na si Valerie “Bangs” Garcia sa Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman on GMA at doon niya inamin ang kanyang Filipino-British boyfriend na si Lloyd Brichmore, isang property deve­lo­per na kanyang nakilala sa Boracay early last year.

Dahil sa Boracay unang nagkakilala sina Bangs at Lloyd, doon din nag-propose ang binata sa dating Kapamilya star.

Dahil sa nature ng trabaho ni Lloyd, madalas itong magtungo sa iba’t ibang bansa including the Philippines.

Huling na-link si Bangs sa ex-boyfriend ni Angel Locsin, ang British-Filipino ring si Phil Younghusband.

Bukod sa pagiging model-actress, si Bangs ay isa ring mahusay na painter at pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang painting exhibit balang araw.

Adhikain ng Miss U nabahiran ng sunugan!

Hindi nagustuhan ng mga Filipino ang ginawa ng Colombian na si Noider Almanza Barraza na nagsunog ng effigy ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach bilang protesta sa kahihiyan na inabot ng kanilang kinatawan kaya naipon ang galit ng Pinoy netizens sa kababayan ni Ariadna Gutierrez.

Bakit effigy ni Pia ang susunugin ni Noider, samantalang isa rin siyang biktima rito dahil kamuntik mawala sa kanya ang korona? Pangalan ng Miss Colombia ang nai-announce ni Steve sa halip na Miss Philippines as Miss Universe.

Dahil dito, ang singer-comedienne na si Ethel Booba ang bumuwelta sa Colombian na nagsunog ng effigy ni Pia. Pero sa halip na mukha ng Miss Colombia na si Ariadna Gutierrez, inilagay nito ang mukha ni Barraza sa effigy ng Miss Colombia na kanya ring sinunog bilang ganti.

Peace and unity all over the world ang isa sa mga adhikain ng Miss Universe beauty pageant pero tila away o giyera ang hangad ng Colombians against our very own Pia na wala namang kinalaman sa mga nangyari o sa kapalpakan ng host na si Steve Harvey.

Kung tutuusin, marami ang naawa at nakisim­patiya kay Miss Colombia dahil sa kahihiyan na kanyang naranasan na hindi rin naman siya ang may gawa.

Speaking of Pia, isang taon itong mami-miss ng kanyang pamilya, mga kaibigan  at mga kababa­yan ngayong nasa New York, USA na siya para gampanan ang kanyang one-year reign bilang Miss Universe.

Pagkatapos ng isang taon ay malamang na ipagpatuloy muli ni Pia ang kanyang naputol na showbiz career sa Kapamilya Network.

Megan at Tom hindi gaanong pumatok

Hindi gaanong gumawa ng ingay ang TV remake ng Mexican telenovela na MariMar on GMA na pinagbidahan ng kauna-unahang Filipina Miss World na si Megan Young opposite Tom Rodriguez kung ikukumpara sa MariMar na pinagbidahan ni Marian Rivera with Dingdong Dantes in 2007.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ARIADNA GUTIERREZ

DAHIL

KANYANG

KAPAMILYA

MISS

MISS COLOMBIA

MISS UNIVERSE

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with