Raket nag-atrasan mag-asawang Liza at Aiza namroblema sa datung pagkakasal!
PIK: Sa February 6 magsisimula ang malaking talent-reality search ng Viva Communications, Inc. at TV5 na Born to be a Star na ihu-host ni Ogie Alcasid.
Nagsimula na ang audition nito na bukas para sa edad 13 hanggang 18 years old. Ang schedule ng audition ay sa January 9 at 10 sa SM Bicutan, January 16 at 17 sa SM Sta. Mesa, January 23 and 24 sa SM San Mateo, at sa January 30 and 31 sa SM Novaliches.
Iikutin din nila ang ilang bahagi ng bansa para sa audition na sasamahan ng co-host na si Mark Bautista.
PAK: Sa presscon ng Born to be a Star, nagpahayag ang isa sa judges na si Aiza Seguerra na sana raw ay may makapasok na bading o tibo na finalist para may representative naman daw ang miyembro ng LGBT community.
Gusto naman daw nilang mapatunayan na maraming nasa LGBT group na talented at puwedeng maging star.
Dagdag na kuwento ni Aiza, naging mahirap daw ang pinagdaanan nila ni Liza Diño pagkatapos ng kanilang kasal, dahil maraming projects daw na nawala sa kanila. Doon nila napagtanto na hindi pa talaga tanggap dito sa Pilipinas ang kanilang relasyon at pagpapakasal nila.
Pahayag ng acoustic singer, “Kung iba pagkatapos ng wedding nagha-honeymoon sila, kami namumroblema.
“May mga nag-cancel na shows sa akin. Si Liza, may mga umatras na projects. Hindi siya kinuha because she’s an actress at feeling nila magiging questionable ‘yung portrayal sa roles niya because she’s with me. I think it’s unfair because she’s a very good actress,” pahayag nito.
Ngayon ay okay na raw sila at nalagpasan nila ito, lalo na’t maayos ang adobo business nila.
Pinagplanuhan na raw nila ngayon ang pagkaroon ng baby na idadaan sa proseso ng Invitro Fertilization.
Pinaghahandaan nila ito na kailangan meron silang milyun-milyong piso para gastusin sa pagkakaroon nila ng baby.
“Yun lang! We have to be there in the States, siguro about two months. Sa akin kasi manggagaling ang eggs. So ang eggs ko, kailangang pare-pareho sila ng laki, para mag-gather sila ng eggs kailangang pantay-pantay, and they will store it, they will freeze it, and by the time meron na rin kaming donor, by the time na ready na… this is the egg, this is the sperm, iano nila, it will become an embryo, ipapasok nila kay Liza,” kuwento nito na sana nga raw maging successful para meron na raw silang baby na masasabing galing talaga sa kanila ni Liza.
BOOM: Dahil sa nangyari sa mother-in-law ni Cong. Alfred Vargas na si Nerissa Espiritu kung saan nabugbog ito ng isang kliyente ng BDO sa may San Juan malapit sa Broadway, nag-decide na rin si Manay Lolit Solis na i-withdraw ang bank account niya sa naturang bangko.
Ibang branch naman iyun, pero nadismaya raw si Manay Lolit kung paano na-handle ng naturang bangko na pinangyarihan ng gulo.
- Latest